May asawa dedo sa kandungan ng 13-anyos

June 5, 2022 Jonjon Reyes 94 views

ISANG 46-anyos na lalaking may asawa ang pinaniniwalaang binawian ng buhay sa kandungan ng isang 13-anyos na dalagita madaling araw nitong Linggo sa loob ng isang hotel sa Tondo, Manila.

Ang biktima ayresidente ng Inocencio St., Tondo.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, Manila Police District Station 2 commamder , bandang 2:20 a.m. nang itawag ng hotel staff ang insidente sa Bambang Police Outpost na sakop ng Station 2.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bambang Outpost sa Rm 238 ng hotel na pinangyarhian sa Antonio River St.,Tondo.

Agad kinordon ng mga otorodad ang paligid saka tumawag sa MPD- Homicide Section at Scene of the Crime Operatives( SOCO).

Naabutan pa umano ng mga otoridad ang 13-anyos na dalagita sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa salaysay ng dalagita , nakita umano nito ang biktima na hirap sa paghinga.

AUTHOR PROFILE