Reimaja

May-ari ng Beautederm, game mag-ninang kina Maja at Rambo

November 27, 2021 Ian F. Fariñas 301 views

MATAGAL-TAGAL na rin palang magkakilala at magkaibigan sina Maja Salvador at Rhea Anicoche-Tan, president at CEO ng Beautederm Corporation.

Dahil sa closeness nila, matagal-tagal na rin daw gumagamit ng produktong Beautederm ang aktres na, incidentally, ay Ilokana ring gaya ni Rhea.

Kaya naman pareho silang masaya nang matupad na ang matagal na hinihintay na pormal na pag-welcome kay Maja sa Beautederm family ni Rhea.

Sa selebrasyon ng 12th year ng kumpanya at birthday na rin ni Rhea, ipinakilala sina Maja at Andrea Brillantes bilang ambassadress ng Beautederm health boosters na Reiko at Kenzen.

Sa nasabing launch, natanong si Maja tungkol sa pagpapakasal sa boyfriend na si Rambo Nuñez.

Sagot ng aktres, kapag ibinigay ni Rhea sa kanya ang singsing na kasing laki ng door knob, siya na mismo ang luluhod para mag-propose kay Rambo.

Sinundot pa iyon ng tanong ng showbiz press kung kukunin nina Maja at Rambo si Rhea na ninang sa kasal.

“Oo” ang naging sagot ng aktres.

Game naman daw si Rhea na maging ninang sa kasal ng bago niyang “baby” at willing pa raw siyang sagutin ang wedding reception ng mga ito.

Anyway, malaking blessing daw kay Maja ang pagiging Beautéderm endorser niya.

“Malaking blessing at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters,” sabi ni Maja na kilala rin bilang isang serious health buff na makikita sa kanyang aktibong pamumuhay.

“Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay ang perfect set of supplements para sa akin. Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ang perfect set of supplements para sa akin and I am encouraging everyone to make this line of health boosters a part of their daily lifestyle for that added boost of strength and vigor.”

Si Rhea naman, sobrang ligaya na nagkatotoo na ang isa sa kanyang mga pangarap na makatrabaho si Maja.

“We have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive to work hard for our families and loved ones. I am one with Maja in advocating a balanced, healthy lifestyle. Perfect match talaa si Maja at ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters at overjoyed ako to welcome Maja to the family,” sabi ni Rhea.

AUTHOR PROFILE