
May angASS
“SHE keep that booty booty, she keep that plump,” iyan ang makakanta ng netizens sa pagbabandera ng Vivamax crush na si Dani Yoshida ng kanyang juicy “behind.”
Pasabog ang sumasabog na kaseksihan ng bombshell sa ibinahagi niyang larawan sa Instagram.
Masisipat sa mga larawang ibinahagi niya ang tagos sa screen na alindog ni Dani habang umaawra sa dalampasigan ng dagat.
Hindi man gaanong pinagpala sa dibdib, bawing-bawi naman sa wetpaks ang sexy star. Masagana sa katambukan at kakinisan ang kanyang bum. Ang style ng mga kalalakihan na pinusuan ang larawan niya, i-zoom ang nagtatambukang pisngi nito.
Petmalu din ang kurba ng kanyang wangkata sa suot na two-piece string bikini.
Tila naghuhurumintadong mga toro ang mga kalahi ni Adan nang tamaan ng kanilang paningin ang ganda ng pigura ni Dani sa kulay pula niyang suot. Parang bet na bet magalit ng kanilang mga nakakubling “sungay”.
Umagos naman ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng sex appeal ni Dani. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.
Una nang naitampok si Dani sa Vivamax original film na “Pilya” sa direksyon ni Dustin Celestino. Ngayon nga ay may bago na namang nilulutong proyekto ang aktres. “Belyas” ang pamagat ayon sa isa sa kanyang post.