Agimat

May Agimat sa ternate!

March 19, 2022 People's Tonight 136 views

Nagkita si Bryan Revilla (nasa kaliwa), first nominee ng AGIMAT at Ternate, Cavite Mayor Lamberto Bambao. Para sa batang Revilla, maituturing na isang pribilehiyo na makita at makausap si Mayor Bambao. Maituturing niyang isang halimbawa ng tunay na pamumuno ang alkalde.

Marami aniya siyang natutunan sa pakikipagusap kay Mayor Bambao. Mainit na sinalubong ng mga taga-Ternate, Cavite si Bryan, sa kanyang naging pag-iikot doon kamakailan. “Maraming salamat Ternate, Cavite sa suportang ibibigay n’yo sa amin. Makakaasa kayo na tutulong kami sa inyong mga pangangailangan,” pahayag ng batang Revilla. “Pilipino ako, May Agimat AKO!”

AUTHOR PROFILE