Maxene

Maxene kinumpirma ang hiwalayan nila ni Rob

December 5, 2022 Aster Amoyo 207 views

SA January 11, 2023 ay 5th wedding anniversary sana ng dating  mag-asawang Maxene Magalona at Rob Mananquil pero umabot lamang ng mahigit apat na taon ang kanilang pagsasama.

It was in October this year nang kumpirmahin ng singer-actress na si Maxene ang paghihiwalay nila ng mister at mutual umano ang kanilang desisyon.

Maxene who turned 36 last November 23 has already moved out from their marital home at lumipat na siya sa sariling apartment.

The singer-actress is part of the 2022 Metro Manila Film Festival movie, ang romance-drama-comedy na “Labyu with An Accent” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Edu

MMFF2022 all set na

ALL set na ang 48th Metro Manila Film Festival this year na sisimulan sa taunang Parada ng mga Artista (Parade of Stars) in Quezon City na tatampukan ng walong official entries – “Deleter” ng Viva Films na dinirek ni Mikhail Red at tinatampukan nina Nadine Lustre, McCoy de Leon, Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo, “Family Matters” ng Cineko Productions na dinirek ni Nuel Naval featuring Noel Trinidad at Liza Lorena; “Mamasapano: Now It Can Be Told” ng Borracho Films na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paolo Gumabao at pinamahalaan ni Lester Dimaranan; “My Father, Myself” ng 3:16 Network and Mentorique Production na dinirek ni Joel Lamangan at kung saan naman mga tampok na bituin sina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana, “Labyu with an Accent” ng Star Cinema starring Coco Martin and Jodi Sta. Maria directed by Rodel Nacianceno (Coco Martin) and Malu Sevilla under Star Cinema, “Partners In Crime” na pinamahalaan ni Cathy Garcia-Molina at kung saan mga bida sina Vice Ganda at Ivana Alawi at joint production ng Star Cinema and Viva Films, “Nanahimik ang Gabi”ng Rein Entertainment at dinirek ni Shugo Praico na siya ring sumulat at tinatampukan nina Heaven Peralejo at IsanVeneracion at ang “My Teacher& I:ng Ten17P na dinirek ni Paul Soriano at pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon.

Ang Parada ng mga Artista ay magsisimula sa Welcome Rotonda in Quezon City at magtatapos sa Quezon City Memorial Circle on December 21, araw ng Miyerkules. Ang taunang Gabi ng Parangal ay gaganapin naman on December 27 (Tuesday) ng gabi sa New Frontier Theater.

Ngayon pa lamang ay hulaan na kung aling pelikula at sinu-sino ang makakapag-uwi ng pinakamaraming parangal.

Rufa MaeRufa Mae

Rufa Mae pabalik-balik ng Pilipinas at US

PABALIK-BALIK ng Pilipinas at Amerika ang singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil bukod na sa Pilipinas ang kanyang trabaho, sa Amerika naman naka-base ang kanyang mister na si Trevor Magallanes.

The couple had a belated 6th wedding anniversary celebration in the US last December 4 nang lumipad pabalik ng Amerika ang singer-actress-comedienne kasama ang kanilang five-year-old daughter na si Athena (Alexandria Magallanes) pero ang kanilang actual anniversary ay nung nakaraang November 25 pa.

Kahit may halong LDR (long distance relationship) ang relasyon ng mag- asawa, naroon ang pagmamahal, tiwala, understanding at suporta sa isa’t iba.

Bukod sa mga shows ni Rufa sa iba’t ibang bahagi ng Amerika, isa rin siyang talent ng Kapuso network.

Direk

Direk Joel sumailalim uli ng heart bypass

HUMIHINGI ng dasal ang premyadong veteran director na si Joel Lamangan na sumailalim ng panibagong heart bypass operation kahapon (December 5), his second since 2015.

Likas na kay Direk Joel ang pagiging workaholic kahit sinabihan na siya ng kanyang doctor na maghinay-hinay sa trabaho.

Bago muling sumailalim ng heart operation si Direk Joel ay tinapos muna nito ang kanyang entry sa darating na 2022 Metro Manila Film Festival, ang “My Father, Myself,” isang BL movie na tinatampukan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana na binigyan ng MTRCB rating na R-18 dahil sa sensitibong tema ng pelikula. Bukod sa nasabing pelikula ay may dalawa pang tinatapos na pelikula ang premyadong director, ang “Oras de Peligro” at “Sa Kanto ng Langit at Lupa”.

Dahil sa kundisyon ni Direk Joel ngayon, malamang na hindi na ito makadalo sa Gabi ng Parangal sa darating na December 27 na gaganapin sa New Frontier Theater in Quezon City.

It would take Direk Joel another two months bago ito makabalik sa kanyang trabaho.

Joel

Malaking katanungan sa pelikula ni Jake

NATUTUWA ang actor na si Jake Cuenca na pinag-uusapan ngayon ang kanyang MMFF movie na “My Father, Myself” na dinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan at kung saan niya mga kabituin sina Dimples Romana at Sean de Guzman.

Altahough mixed ang reaction ng mga nakapanood na ng full trailer ng pelikula, still masaya ang Kapamilya actor dahil marami na ang curious na panoorin ang kanilang pelikula.

Since R-18 ang nakuhang rating ng pelikula, isa itong malaking katanungan ngayon kung ito’y mapapanood sa lahat ng SM Cinemas na siyang may pinakamaraming theaters nationwide.

Bukod sa kanyang MMFF movie na “My Father, Myself,” si Jake ay napapanood din sa bagong primetime TV series ng ABS-CBN, ang “Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, his second TV series this year after “Viral Scandal”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE