Max at Pancho officially divorced
Kinumpirma ni Max Collins na divorced na sila ni Pancho Magno.
“We’re legally separated na. Yes, it’s official na,” pag-amin ng aktres sa panayam ng “24 Oras” nitong Sabado.
“Ayon kay Max, naaprubahan sa Amerika ang diborsyo nila ni Pancho noong isang buwan.
American citizen si Max kaya pwede itong mag-file ng divorce.
Ayon pa sa Kapuso actress, maayos naman ang co-parenting set-up nila ng ex-husband sa anak nilang si Skye at na-feature pa sila sa isang magazine.
“We wanted to show people that you can be like us. I mean, it’s possible,” sey ni Max.
Matatandaan na ikinasal sina Pancho at Max noong 2017. Ipinanganak ng aktres si Skye noong 2020.
Last year ay kinumpirma ni Max na matagal na silang hiwalay ni Pancho at amicable ang kanilang separation.
Kamakailan lang ay lumutang ang balitang nagkabalikan sila dahil sa mga post nila sa social media na tila nagkakamabutihan sila.
Pero pareho nila itong itinanggi at sabi ni Pancho, “We’re just really close.”