Mavy

Mavy mas importante ang pamilya

June 8, 2023 Aster Amoyo 183 views

NAG-SHARE si Mavy Legaspi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na niya itinuloy ang paglalaro ng tennis ay dahil sa naranasang pambu-bully dahil sa kanyang estado bilang isang “showbiz royalty.”

“Yes that was one of the instances din, pero it wasn’t really ‘yung major factor ng pag-decide ko to quit tennis, but it was one of. Siyempre, I tried to be fair and I am very understanding,” pagbabahagi ni Mavy

Sa kabila ng pagiging patas sa kanyang mga nakakalaro, hindi raw nakaiwas si Mavy na ma-bully.

“Just being a showbiz personality, just being a showbiz royalty and then playing a sport with all walks of life, siyempre you deal with all classes I’m competing, I travel to provinces. There’s always that thinking they have na I’m cheating, I paid for my wins,” sey pa ng Kapuso actor.

Ngunit ang pinakamabigat na rason daw ng pagtigil niya sa sports ay dahil nawawalan na siya ng oras sa pamilya.

“Pero ‘yung major decision doon was really to keep the family intact kasi hindi kaya ni mama ‘yun na hindi kami complete. I’m really competing all the time, mawawalan din ako ng time for school, for my family, I’m travelling alone, all that. Nalulungkot ‘yung mom ko and as a son, I really didn’t want that,” sabi ni Mavy.

Bea nakipaghiwalay sa BF sa mismong araw ng birthday

BeaKINUWENTO ni Bea Alonzo na may isa siyang dating nobyo na sinusubaybayan ang kanyang timbang halos araw-araw.

Inihayag ito ng Kapuso actress sa isang episode ng vlog ni Mariel Rodriguez, kung saan naglaro si Bea Two Truths and a Lie segment.

“Mayroon akong naging jowa na pinag-we-weighing scale ako almost every day just to check if I was heavier,” sabi ni Bea.

Hindi naman tinukoy ni Bea kung sino ang naturang ex-bf niya.

Ibinahagi rin ng aktres na mayroon din siyang ex-bf na hiniwalayan niya sa araw ng kanyang birthday.

“Hindi ko alam na may surprise pala siya sa akin na malaki, non-showbiz yung guy,” ani Bea.

“Hindi ko alam biglang, ‘surprise!’ tapos kaka-break ko lang sa kanya. Inisip ko kasi makikipag-break ako sa birthday ko tapos hindi siya magagalit sa ‘kin kasi birthday ko,” natatawa sabi pa ni Bea.

GMAKF patuloy ang pag-aabot ng tulong

MALAKING blessing talaga ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga Pilipino dahil patuloy pa rin sila sa pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan saan mang panig ng bansa. Nitong Mayo lang, tatlong malalaking proyekto ang inorganisa ng GMAKF.

Para sa Mother’s Day, naghandog ang GMAKF ng free breast examination at pap smear tests, at cervical at breast cancer awareness lectures sa ilang nanay sa San Luis, Batangas; Natonin, Mountain Province; at Victoria, Tarlac.

Nag-offer din sila ng ECG, blood sugar tests, at hypertension awareness lectures sa Gabaldon, Nueva Ecija at Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan bilang paggunita sa Hypertension Awareness Month.

May ipinagagawa rin itong Kapuso School Building sa Binibitinan Elementary School sa Polillo, Quezon na nasira dahil sa Super Typhoon Karding noong nakaraang taon.

Bilang isa sa mga trusted media-based foundations na accredited ng DSWD, PCNC, at BIR, ang mga donasyon sa GMAKF ay 100 percent tax deductible.

For sure, marami pa silang mahahatiran ng biyaya sa tulong na rin ng mga donasyon ng mga mapagbigay na Kapuso.

Para magdonate, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

AUTHOR PROFILE