Ardi and Gwen

MavLine digi series, humahataw online

March 25, 2023 People's Tonight 278 views

Kakaibang chemistry at pagpapakilig ang hatid ng Sparkle Sweethearts na MavLine sa Zero Kilometers Away, ang digital series ng GMA Public Affairs na natapos kamakailan.

Hindi nakagugulat na may mahigit 35 million views and counting na ito sa Facebook at YouTube.

Napaka-relatable ng kwento nina Ardi (Mavy) at Gwen (Kyline), lalo na para sa mga naghahanap ng kanilang one true love.

Halu-halong emosyon ang mararamdaman kapag pinanood ito at maraming aral tungkol sa buhay at pag-ibig ang maaaring mapulot.

Inabangan din dito ang mga respetadong TV personality gaya nina Kara David, Kuya Kim Atienza, Drew Arellano at Iya Arellano na nasa “artista era” nila, ayon sa viewers.

Sa mga naaaliw sa serye, pwedeng balik-balikan ang mga eksena dahil available ito sa iba’t ibang online platforms ng GMA Network at sa YouTube channel at Facebook page ng GMA Public Affairs.

Dapat ding pakaabangan ang isa pang digital series ng GMA Public Affairs — ang In My Dreams na pagbibidahan naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Tiyak na nakaabang dito ang Team Jolly. Sa April na ito mapapanood online.

Vinia Vivar

AUTHOR PROFILE