
Maureen Wroblewitz pinasilip bagong dyowa sa BF day
IBINANDERA ng model-actress at beauty queen na si Maureen Wroblewitz ang bago niyang dyowa sa publiko para batiin ng ‘Happy Boyfriend’s Day’.
Sa Instagram stories ng “Asia’s Next Top Model” 5th season winner ibinahagi niya ang ilang videos kasama ang bagong nobyo.
Sa unang video ay makikita ang kulitan ng dalawa sa pamamagitan ng pagpo-pose ng naka-wacky kalakip ang caption na “Happy BF Day.”
Tila isang passenger princess naman si Maureen sa ikalawang video clip na kanyang ibinahagi kung saan nagmamaneho ang kanyang boyfriend. Ipinakita rin niya ang lipstick na suot-suot nilang mag-dyowa.
Matatandaang naging usap-usapan din ang ngalan ni Maureen matapos ang hiwalayan nila ng dating kasintahan at singer-actor na si JK Labajo.