
MAUInit
BAGONG taon pero tag-init ang hatid ni Maui Taylor matapos niyang magpasilip ng kanyang nagbabagang alindog sa latest beach getaway post!
Suot ang hapit na berdeng swimwear, pinatunayan ng sexy star na siya pa rin ang reyna ng kaseksihan habang relax-relax lang sa yate at ninanamnam ang dagat.
“Summer in January,” ang simpleng caption ni Maui, pero parang summer na rin sa init ng kanyang katawan! Agad bumaha ng reaksyon ang kanyang post, na umabot sa libo-libong likes sa loob lang ng ilang oras.
May ilan ding napa-throwback sa kanyang FHM days: “Wow ang sexy parin mula noon hanggang ngayon!” Habang ang iba naman ay napahirit ng, “Walang kupas ang ganda niya at sarap halikan ng mga paa at talampakan niya.”