Maui mas gusto nang makilala bilang kontrabida

December 14, 2024 Aster Amoyo 109 views

UNTI-UNTI nang nakikilala sa kontrabida role si Maui Taylor. Pero bago nito, isa ang aktres sa mga pinakasikat noon bilang sexy actress na miyembro ng dating grupo na Viva Hot Babes.

Sa programang “Lutong Bahay” na host si Mikee Quintos, ibinahagi ni Maui na nagsimula siya bilang commercial model sa edad na tatlo bago nakapasok sa showbiz.

Ayon pa kay Maui, 14-anyos naman siya nang mapasama sa unang TV series na Anna Karenina.

Hanggang sa tuluyan na siyang makilala nang mapasama sa grupo ng mga sexy actress na tinawag na Viva Hot Babes.

Ayon kay Maui, walang problema sa kaniya na ikonsidera siya na sexy icon at pinagpapantasyahan ng kalalakihan dahil hindi umano maiiwasan.

Tinanong ni Mikee si Maui kung may idea na ba ang dalawa niyang batang anak na lalaki tungkol sa kaniyang pagiging sexy actress noon.

“Alam lang nila, sasabihin lang nila: ‘Mommy is an actress.’ Feeling ko wala pa silang nakikita. But I’m ready to…when the time comes. Kasi yung eldest ko is 11 na. Konti na lang ‘yon magtatanong na ‘yan,” sey ni Maui.

Magbabalik si Maui sa “Lolong” Season 2 sa GMA Prime sa January 2025, ay muli niyang gagampanan ang role bilang Dolores Baticusin, na isa sa mga kontrabida.

Nadia nagbago ang pananaw matapos maoperahan

Pic3BINALIKAN ni Nadia Montenegro ang naging health scare niya sa kanyang puso sa isang episode ng Lutong Bahay.

Ayon kay Nadia, iniinda na niya ang sakit sa puso mula 17 years old, pero hindi niya ito ipinagamot.

“This has been a disease that I’ve had since I was 17. ‘Yung WPW (Wolff-Parkinson-White Syndrome), hindi siya nakakamatay kaya never ko siyang pinagawa.”

Ngunit nagbago ang lahat nang atakehin si Nadia sa puso.

Kuwento ni Nadia, “Ang nangyari sa akin, noong nag-palpitate ako at inatake ako ng WPW ko, bumagsak ang blood pressure ko imbes na tumaas.

“Noong wini-wheel in ako nang six nang umaga, nung hindi ko pa nakakausap ang lahat, parang gusto kong mag-‘I love you’ sa lahat, gusto kong tawagan lahat. Ang dami mo pa palang biglang iisipin na gusto mong sabihin.

“Ganoon pala ‘yung feeling na hindi ka sure kung makakalabas ka pa nang buhay.”

Dahil sa pinagdaanang problema sa kalusugan, aminado si Nadia na nagbago ang kaniyang pananaw sa buhay, lalo na ang pagmamahal sa pamilya.

“I realized na I cannot live without them. Super grateful ako ngayon,” sey ni Nadia.

Abugado ni Rita may komento sa counter affidavit ni Archie

Pic5Pic4AYON sa abugado ni Kapuso star Rita Daniela na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang isinumite ng kampo ni Archie Alemania na counter-affidavit ay isang “mere confirmation” ng acts of lasciviousness na isinampa ng aktres sa kaniya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda ang statement ni Atty. Maggie ukol sa isinumite na counter-affidavit ni Archie kung saan inamin diumano ng aktor ang charges laban sa kaniya.

“He also admitted that while in the car, he touched Rita. Albeit, he said that he uttered those words because he was just being wacky and he made the touches to comfort her, this does not erase the fact that he did the acts complained of,” sabi ng abugado.

Pagpapatuloy pa ni Atty. Maggie, “He also said in his counter-affidavit that when Rita got out of his vehicle, she was very angry. Why would Rita be angry when he did not do something wrong when they were at the car? If he just touched to comfort her?”

Idiniin ni Atty. Maggie na ang counter-affidavit ni Archie ay naglalaman ng “material admission,” dahilan para managot ang aktor sa kasong Acts of Lasciviousness.

Sa ngayon ay nakatakda na rin magsumite sa December 17 ang kampo ni Rita ng written affidavit laban sa counter-affidavit ni Archie.

Matatadaan na nagsampa si Rita Daniela ng Act of Lasciviousness complaint laban kay Archie Alemania noong October 30 sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City.

Sa complaint, inilahad ng aktres kung papaano di umano hinalikan at hinipuan siya ng aktor nang walang pahintulot, at sinabing ilang beses din nagbigay ng “inappropriate remarks” patungkol sa kaniya.

Kuwento ni Rita sa affidavit, nangyari ito pagkatapos ng isang thanksgiving party noong September.

Jak ayaw makaeksena ang kapatid na si Sanya

Pic6Pic7HANGGA’T maaari ay ayaw kaeksena ni Jak Roberto ang kapatid niyang si Sanya Lopez.

Kuwento ni Jak, nagkasama na raw sila ni Sanya sa teleserye na ‘Half Sisters’ in 2014 na pinagbidahan nila Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Hindi raw sila makapag-concentrate sa eksena dahil natatawa sila kapag nagkakatinginan sila.

“Nagtatawanan kami. ‘Di ba ‘pag uma-acting kami, e di seryoso ‘yung eksena, hindi namin kaya. Seryoso na ‘yung eksena, nag-iiyakan na ‘yung dalawang artista tapos nagkatinginan kami…wala na. Tapos after nun, tumawa na kami nang tumawa,” natatawang kuwento ni Jak.

Parati raw kasi sila nag-aasarang magkapatid nung hindi pa sila mga artista. Kaya natatawa sila kapag may nagda-drama sa kanila.

AUTHOR PROFILE