
Matutina pumanaw na
Pumanaw na ang veteran comedienne na si Evelyn Bontogon-Guerrero, mas kilala sa showbiz industry bilang si Matutina. She was 78.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang anak na si Shiela Guerrero ngayong Biyernes, February 14, base sa ulat ng GMA.
“My mom passed away this morning,” pahayag ni Shiela sa chat.
Ayon sa report, Hypertensive Cardiovascular Disease ang pangunahing dahilan ng kanyang pagpanaw base na rin sa kanyang medical certificate.
Nagsimula ang showbiz career ni Evelyn bilang radio talent hanggang sa maging household name siya bilang Matutina sa sitcom na “John En Marsha” nina late Comedy King Dolphy and Nida Blanca.
Matatandaang sa naging panayam ng komedyana sa vlog ni Julius Babao noong 2024, inamin niyang mayroon siyang osteoporosis at sumasailalim sa dialysis for almost 10 years.