sarah

Matteo, wish i-guest si Sarah sa ‘MattRuns’

June 10, 2021 People's Tonight 595 views

NAKANSELA ang dapat sana’y virtual mediacon kahapon para sa MattRuns podcast ni Matteo Guidicelli dahil sa matinding pananakit ng ulo ng mister ni Sarah Geronimo.

Siyempre, dasal ng lahat na bumuti agad ang pakiramdam ni Matteo para makausap siya ng press tungkol sa MattRuns.

Ang naturang podcast ang pinagkaabalahan niya matapos ang hosting stint sa Born To Be A Star ng Viva TV at TV5.

Gaya ng successful virtual concert ni Sarah na Tala: The Film Concert, co-produced ang MattRuns ng Viva at ng sarili nilang kumpanya, ang G Productions.

Sa isang interbyu, sinabi ni Matteo na sa family-owned restaurant nilang Trattoria Da Gianni tine-tape ang bawat episode ng podcast na eventually ay type niyang gawin nang live.

Kasama siyempre sa wish list niya ang mag-guest si Sarah sa MattRuns na ready na for streaming sa Spotify.

TAMBALANG KIM-JERALD, PATOK SA NETIZENS

kimjeMARAMI ang naaliw sa kauna-unahang pagtatambal ng real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa Vivamax offering na Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Kwela, lalo na si Jerald, sa papel niyang si Ngongo, habang kabilib-bilib naman at napaka-credible ni Kim bilang si Tasha, ang babaing hindi nakakaramdam ng kahit na anong sakit, saya o pagkabigla.

Patok sa netizens ang eksenang bumibili si Jerald sa tindahan ni Candy Pangilinan. Sumakit talaga ang tiyan ng online viewers sa katatawa sa kwelang pag-uusap ng dalawa.

Maraming highlights ang pelikula na dinirehe ni Darryl Yap (Jowable, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, etc.), pero ang pinakagusto namin ay ang ginawang “stunt” ni Kim sa bandang dulo ng movie, kung saan talagang hindi man lang siya nagpakita ng anumang pagkalula o pagkatakot.

Gaya ng sabi ni Direk Darryl sa digital mediacon, wala ngang ibang aktres na suswak sa papel ng babaeng walang pakiramdam kundi si Kim lang.

Kasalukuyan pa ring streaming sa Vivamax ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam nina Kim at Jerald na, incidentally, ay sasabak laban sa The Wall sa episode ng The Wall Philippines, hosted by Billy Crawford, bukas, Sabado, sa Todo Max Weekend block ng TV5.

AUTHOR PROFILE