Ashemat

Matteo sumama ang timpla sa bakuna, Sarah mala-jetlag ang tama

July 17, 2021 Vinia Vivar 201 views

Aminado si Toni Gonzaga na naapektuhan din ng pandemic ang Happy Cup milk tea business nila ng kapatid na si Alex Gonzaga. Nagsara na raw ang iba nilang branches although marami pa rin namang natira.

“We had 94 branches before the pandemic, now we have 78. Nag-close ‘yung ibang branch,” saad ni Toni sa interbyu sa kanya ni Matteo Guidicelli sa podcast nito.

Of course, nangangarap sila pareho ni Matteo na bumalik na sa normal ang buong mundo at makamit na ang herd immunity.

Bukod dito, wish din nila siyempre ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

“I feel it in my heart that it (ABS-CBN) will come back and it will come back stronger,” ani Toni.

Napag-usapan nga rin nila ang tungkol sa vaccination.

Kwento ni Matteo, nagkaroon daw ng side effects sa kanya ang na-take na vaccine nila ng misis na si Sarah Geronimo

“I got so sick. Everybody has their own timpla. Me, I got the fever, headache,” tsika ni Matteo.

Naglambing pa raw siya kay Sarah na “love, hug me na, I need you here.”

Si Sarah naman daw ay parang jetlag lang ang effect ng bakuna.

Fully vaccinated na rin si Toni ng Pfizer at ang side effects naman daw sa kanya ay nahirapan lang siya huminga.

Pero umokey naman din daw agad.

Pati pulitika ay napag-usapan nila at natanong ni Matteo si Toni kung may balak pa siyang tumakbo since dati ay naging kagawad ang singer-actress.

“Sa thread mill lang ako tatakbo,” natatawang sabi ni Toni.

Wala pa raw siya sa showbiz nu’ng time na pumasok siya sa pulitika.

“Dati kagawad ako nu’n, 17 years old ako nu’n. Tapos nu’ng nag-showbiz na ’ko, stop na. Kasi nu’ng bata ako, akala ko ‘yun ‘yung calling ko, public service. I can serve naman pala through my industry,” she said.

AUTHOR PROFILE