Matteo

Matteo at Sarah nagdaos ng second anniversary

February 21, 2022 Aster Amoyo 208 views

Matteo1Matteo2MATTEO Guidicelli and pop superstar Sarah Geronimo celebrated their second wedding anniversary last Saturday, February 20. Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang athlete-actor at entrepreneur ng sweet message para sa kanyang misis.

“Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife. You’re the best. Happy 2nd year anniversary! #theguidicellis@justsarahgph.”

Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa ring maraming nag-aabang kay Sarah na bumalik sa “ASAP Natin `To” dahil nami-miss na siya ng kanyang mga fans.

Naghihintay din ang supporters ng mag-asawang Matteo at Sarah kung kailan magaganap ang kanilang grand wedding na inaasahang dadaluhan ng kanilang respective families.

Kailan din kaya plano ng mag-asawa na magkaroon ng baby lalupa’t may anak na ang kaibigan at kapanabayan ni Sarah sa “Star for A Night” singing competition na si Rachelle Ann Go-Spies, si Baby Lukas Judah who is turning one year old on March 26.

Sarah is 33 habang si Matteo ay magti-32 sa darating na March 26 na siya ring first birthday ng baby ng mag-asawang Rachel Ann at Martin Spies na si Lukas.

Ini-enjoy muna ng couple na Matteo at Sarah ang isa’t isa habang hindi pa sila nabibiyaan ng anak.

AngelineAngeline ipinakikita na ang ama ng ipinagbubuntis

UNTI-UNTI nang ipinapakita ng singer-actress at YouTuber na Angeline Quinto ang mukha ng kanyang partner at ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon na isang boy pero hindi pa rin niya ibinabahagi ang pangalan ng non-showbiz boyfriend who is three years her junior at may dalawang anak na babae sa dating naka-relasyon.

Nakatakdang isilang ni Angeline ang kanyang first baby sa buwan ng April.

Maaga mang nawala sa kanya ang kanyang Mama Bob (Sylvia Quinto) na siyang nag-aruga at nagpalaki sa kanya at itinuring niyang ina, dumating naman sa kanyang buhay ang kanyang boyfriend ngayon at magkakaroon na rin sila ng baby.

Kahit malapit nang isilang ni Angeline ang kanyang baby, hindi pa rin nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

“Focus muna kami sa baby,” pahayag ni Angeline.

Janine at Paulo kasama nina Edu at Cherrie Pie nagbakasyon

MUKHANG hindi lamang sina Edu Manzano at Cherrie Pie Picache ang nagka-debelopan sa set ng nagtapos na primetime hit series na “Marry Me, Marry You” kundi maging sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Ito ang ispekulasyon ng marami matapos makita ang dalawa lulan ng isang boat in Palawan kasama ang magkasintahan na ngayon na sina Edu at Cherrie Pie wih the the actress’ only son na si Nio Tria sa dating partner nito.

Kung hiwalay na si Janine sa kanyang ex-boyfriend na si Rayver Cruz, malamang na hiwalay na rin si Paulo sa girlfriend nitong model na si Jodie Elizabeth Tarasek. Ang actor ay may eleven years old son na si Aki sa Kapuso actress na si LJ Reyes na kasalukuyang nasa New York, USA after her break-up with another Kapuso actor na si Paolo Contis. Since open book naman ang pagiging binatang ama ni Paulo, hindi ito issue sa kanila ni Janine.

Si Paulo bale ang first leading man ni Janine sa kanyang kauna-unahang teleserye bilang isang Kapamilya.

Paulo is 33 at 32 naman si Janine.

Arci rumampa sa New York Fashion Week

KUNG kilala na ang singer, actress, painter, visual artist at fashion icon na si Heart Evangelista ng mga prominent personalities behind the top brands sa taunang Paris Fashion Week, hindi naman nagpahuli ang singer-actress-model na si Arci Munoz dahil ito’y rumampa at nag-perform sa New York Fashion Week for Keppi brand.

Si Arci ay ilan lamang sa mga Filipino pride na rumampa sa famous New York Fashion Week. Nauna na rito ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang 2014 Miss World Philippines na si Valerie Weigmann, ang 2012 Miss Universe runner-up na si Janine Tugonon, ang Manila-based model na si Hye Won-Jang at iba pa.

Wala pang balita kay Arci kung ito’y babalik pa ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang career dito o baka naman Hollywood na ang kanyang next target.

Si Arci ay big fan ng Korean top boy band, ang BTS.

Joven timbog na naman

MARAMI ang nanghihinayang sa talent ng third runner-up sa “Pinoy Got Talent” Season 6 nung 2018 na si Mark Joven Olvido dahil sa halip na gamitin niya ito sa mabuti ay mas pinapaboran pa niya ang paggawa ng masamang bisyo, ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Kung matatandaan pa, it was last May 14, 2021 nang una siyang masakote ng mga awtoridad matapos siyang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000. Idagdag pa rito ang kanyang pagpapasada ng tricyle nang walang lisensya. Nung nakaraang Biyernes, February 18 ay muling na-aresto si Mark sa isinagawang buy-bust operation na isinagawa ng Drug Enforcement Unit sa Sitio San Miguel, Duhat, Sta. Cruz, Laguna kung saan siya nahulihan ng shabu na nagkakahalaga umano ng P85,000.

Panandaliang nag-artista si Joven na nahinto naman dahil sa pandemya kaya ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang binalingan.

Ina baseball player ang anak na nag-aaral sa US

LIMA ang anak ng singer-actress at commercial model na si Ina Raymundo sa kanyang Ukrainian-Canadian businessman husband na si Bryan Poturnak na ang panganay ay si Jakob while the four others ay pawang babae, sina Erika Rae, Mikaela Jade, Amikha Sage and Minkha Eve. Jakob is so good looking na kung gugustuhin nito ay puwede itong mag-artista but he’s currently studying in the U.S. He’s a baseball player playing for Xavier University in Cincinnati, Ohio.

Hindi halos makapaniwala si Ina na binata na ang kanyang panganay na anak.

Samantala, matagal-tagal na rin ang itinakbo ng karera ni Ina magmula nang siya’y unang mapansin sa 1995 San Miguel Beer “Sabado Nights” TV commercial na siya niyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng limang anak, napanatili ng singer-actress ang kanyang magandang hubog ng katawan, happily married since 2003 and blessed with five beautiful children.

Ang maling akala sa vira photo nina Aljur at AJ

NAG-VIRAL ang mga litrato ng rumored sweethearts na sina Aljur Abrenica at AJ Raval na kuha sa lobby ng Haiyan Hotel & Resort in Tanauan, Leyte nung nakaraang Valentine’s Day, February 14. Inakala ng marami na personal na nagsadya roon ang dalawa para doon idaos ang Araw ng mga Puso.

Unknown to many, si Aljur at AJ ay dalawa sa mga naimbitahang special guests sa ribbon-cutting para sa launching at inauguration ng DYAL Radyo Kidlat 90.3 FM na matatagpuan sa DORELCO, Brgy. San Roque, Tolosa, Leyte. Kasama ng dalawa ay ang Tawag ng Tanghalan Finalist na si Reggie Tortugo at ang PTV4 radio anchor at director na si Cesar Soriano.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE