Matteo

Matteo at Sarah, looking forward magka-baby

September 18, 2023 Vinia Vivar 529 views

Matteo Guidicelli and wife Sarah Geronimo recently celebrated 10 years of being together.

Sa Instagram ay binati ni Matteo ang kanyang wifey.

“10 years my love. I love you,” ang pagbati niya.

Matatandaang nagsimula ang relasyon ng AshMatt ng taong 2013 pero it was after a year nang i-confirm ni Sarah that they have been dating for a year.

Kahit maraming intriga at tutol sa kanilang pag-iibigan, nanatili silang matatag hanggang sa umabot na nga sila sa pag-iisang dibdib.

After seven years of being together, nagpakasal sina Sarah at Matteo noong Pebrero, 2020 sa isang civil ceremony sa Taguig.

Sa ngayon ay ini-enjoy ng mag-asawa ang kanilang married life and looking forward na rin sila na magkaroon ng kids soon base na rin sa kanilang mga panayam.

AUTHOR PROFILE