WHAT'S NEW

SEE ALL
Default Thumbnail

Matatakot kaya sila sa death penalty sa customs?

May 19, 2023 Paul M. Gutierrez 327 views

PaulBALAK ngayon ni Senator Robin Padilla na maghain ng panukalang batas na magpataw ng parusang kamatayan o death penalty sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na mapatutunayang nakikipagsabwatan sa mga smuggler.

Ang โ€œimpressionโ€ kasi sa pagdinig sa Senado kamakailan kaugnay ng talamak na agricultural smuggling, mga tauhan mismo ng BoC ang nakikipagsabwatan sa mga smuggler kaya mistulang hindi na ito masawata.

Naiintindihan natin syempre ang galit na lang ng butihin nating senadorโ€” partikular kung nagsasalita siya at walang interesadong makinig.

Iisipin natin na ang mga law enforcement nga naman sa panahon ngayon ay kasangkot sa ilegal na gawaing ito. Kaya kung mapatunayan, hindi siya magiging masaya sa life imprisonment lamang.

Sa ganang atin po ay totoo naman po ang mga nabanggit ni Senator Padilla. Hindi lamang po nakakahiya na ang mga tagapagpatupad ng batas ang siya pa pong kasangkot sa mga ilegal na gawaing ito. Dahil sa agricultural na bansa tayo pero mas yumayaman pa ang mga smuggler kesa sa mga magsasaka natin. Kaya wala nang gustong magsaka sa Pilipinas.

Nagugutom ang mga kababayan nating magsasaka dahil sa pagbaha ng mga imported na produktong agrikultura dahil na rin sa smuggling. Kung mapapatunayan isa itong economic sabotage.

Wala po sigurong kababayan na maniniwala na walang kasabwat sa loob ng BoC. Maging si Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla na ang nagsabi sa pagdinig na halos karamihan na ng mga pantalan ay apektado na nitong smuggling.

Ang totoo sa sobrang talamak na ng sindikato ng smuggling ay maging si Senator Padilla ay hindi na nakikita na kahit sa kanilang termino ay matitigil ang smuggling. Kaya ang hiling niya sa komite sa Senado ay kahit mabawasan man lang nila ito.

Kaya ang isa sa panukala ng Senador ay mahatulan ng kamatayan kung mapatunayan. Mabigat kung iisipin pero wala na pong takot ang mga gumagawa nito. Dahil baka isip nila kung sakali mang makulong sila ay kaya nilang lumaya ulit dahil protektado sila ng sindikato.

Nakakalungkot po mga kababayan na ganito ang nangyayari sa mga law enforcement natin na dapat ay nagbabantay sa ating mga pantalan para maprotektahan ang ating mga magsasaka at ang ating ekonomiya.

Sadyang malaki na ang problemang ito kaya hindi na rin po malaman marahil ng kaibigan nating si Atty. Maronilla kung sinu-sino ang pwede niyang pagkatiwalaan sa loob ng BoC kung siya mismo ay alam niyang talamak na ito sa buong bansa.

Hindi po ito mareresolba ng iilang mga tao lamang sa BoC at malamang nakikita na ito ng Senado ngayon gaya ni Senator Padilla. Pero kung ibabalik ang death penalty at kasama ang mga smugglers, baka sakaling matakot nga sila.

Baka lang naman. Iyon ay kung matatakot sila sa death penalty.

Ang problema nga lang sa panukala ni Sen. Robin? Eh wala namang โ€˜death penaltyโ€™ sa Pinas dahil tinanggal ito mismo ng Kongreso at Senado noong termino pa ni Pang. Gloria Arroyo.

Alam kaya ito ni Sen. Robin?

AUTHOR PROFILE