Barbers

Matatag na pundasyon ng 19th Congress naitatag ni SFMR — Barbers

June 11, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 183 views

Magaling na performance ng Kamara walang dudang tuloy-tuloy sa pamumuno ni Romualdez

WALANG duda na magtutuloy-tuloy ang magandang performance ng Kamara de Representantes sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa nalalabing bahagi ng 19th Congress.

Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, nailatag na ni Speaker Romualdez ang pundasyon ng 19th Congress na nagresulta sa magandang ipinakita ng Kamara.

Ebidensya umano dito ang mga mahahalagang panukalang batas na agad na pinag-aralan at inaprubahan ng Kamara.

“The measures the House approved during the First Regular Session have both quality and quantity. Quality, because the chamber passed 33 out of the 42 priority bills of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. as listed by the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC); and quantity, because the chamber was able to process 30 measures per session day, and this was 10 percent more than what the previous Congress did,” ani Barbers, isang stalwart ng Nacionalista Party (NP).

“The House will continue to perform at this pace for the rest of the 19th Congress. Speaker Romualdez knows that time is of the essence, that’s why he can easily tune out from all the political noise. We will follow his lead,” sabi pa ni Barbers.

Bago nagsara ang unang regular session ng 19th Congress noong nakaraang buwan ay natapos na ang Kamara ang 577 panukalang batas.

Sinabi ni Barbers na hindi maitatanggi na si Speaker Romualdez ang siyang pinaka pinagkakatiwalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kailangan umano ng administrasyon ng tulong upang maabot ang minimithi nitong “Agenda for Prosperity”.

“A lot is riding on the work of government. In fact there are over 31 million who bought into the President’s notion of a better and more comfortable life. This promise will come to fruition if the legislature and executive continues to tread a united path,” dagdag pa ni Barbers.

AUTHOR PROFILE