Alden

Matalim na hirit ng netizen: Maine, gamit na gamit ni Alden sa promo

October 10, 2023 Vinia Vivar 572 views

Napaglalaruan ng netizens ngayon si Alden Richards dahil sa pag-amin niya na nagkagusto siya kina Maine Mendoza at Pia Wurtzbach. Sinabi ito ng aktor sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, October 9.

Sa tanong ng host na si Boy Abunda kung nagkagusto ba siya kay Maine noong kasagsagan ng AlDub loveteam, sagot ni Alden, “Yes, hypocrite po ako kung hindi. Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess.”

Sa tanong naman kung nagkagusto siya kay Pia, “yes” din ang sagot ni Alden, pero hindi raw niya nasabi rito ang kanyang nararamdaman.

Dahil dito ay muli na namang naglabasan ang bashers ni Alden at pinagtatawanan nila ang aktor na lagi na lang daw nagkakagusto sa babae pero hindi naman nililigawan.

“So nagkagusto siya kay Julie, Wynwyn, Pia at Menggay pero ni isa sa kanila hindi niya niligawan? Ganern? Nakakaloka. Sino ang mga susunod na mapapasama sa kanyang listahan sa promo? Abangan,” tweet ng isang netizen.

“Lahat nagustuhan pero walang niligawan,” komento naman ng isa pa.

“Sharon next,” sey naman ng isa pang netizen.

“Si Kathryn wahahaha,” sagot naman ng isa pa.

Hindi rin nagustuhan ng ibang netizens na binabanggit pa ni Alden si Maine para sa promo ng kanyang pelikula.

“Whattacheap way to include a married woman in publicity stunt. Nakakaloka!” komento ng isang X user.

“Ang nakakabwisit laging no comment si Alden sa mga issue kay Maine pero pag kailangan nya ng promo Gamit na Gamit. Ikaw talaga ang Pabuhat at Mangga of the year!” sey pa ng isa.

AUTHOR PROFILE