Default Thumbnail

Mataas ang trust and approval ratings ng PNP dahil sa galing ni Gen. Guillor Eleazar

October 31, 2021 Marlon Purification 229 views

Marlon PurificationMULING nakapagtala ng mataas na trust at approval ratings ang Philippine National Police (PNP)19!

Ito’y dahil sa magandang performance at sinserong pagtupad sa trabaho ni PNP chief Gen. Guillermo ‘Guillor’ Eleazar na sa gitna ng hirap na dinarasan ng kapulisan bunsod ng pandemya ay walang pagod nitong ginagabayan ang buong miyembro ng pambansang pulisya.

Kaagad nagpasalamat si Guillor sa magandang balitang ito at sa halip magyabang, ibinalik niya ang kredito sa buong PNP na silang dapat na papurihan, pasalamatan ang bigyang pugay.

Base sa resulta ng survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc., ang trust ratings ng PNP ay umangat lalo ng limang puntos at pumalo sa pinakamataas na 35.200, habang ang ‘low trust’ sa kapulisan ay bumagsak ng walong puntos sa 26.800.

Sinabi ng PUBLiCUS na ang pambansang puwersa ng pulisya ay nakapagtala ng dalawang magkakasunod na pag-angat sa trust ratings.

“The Philippine National Police welcomes the result of the survey conducted from October 11 to 18 which showed improved trust and approval ratings for the police organization,” ani Eleazar.

“Ito naman ay bunga ng aming pagkakaisa at pagtutulungan upang patuloy na maibalik and tiwala at respeto ng ating mga kababayan sa kanilang Pambansang Pulisya sa pamamagitan ng agresibong reporma na nag-uumpisa sa kalinisan ng bawat police stations na siyang aming frontline services para sa ating mga kababayan at ang aming mabilis na aksyon sa mga reklamo at paghingi ng tulong ng ating mga kababayan, kabilang ang kampanya sa paglilinis ng aming hanay,” sabi pa niya.

Kaagad namang nanawagan si Guillor sa mga miyembro ng pulisya na iwasan ang mga personal na interest at sa halip ay pangibabawin ang kapakanan ng taumbayan na siyang tunay na prinsipyo ng serbisyo publiko.

“I express my sincerest gratitude to the men and women of the PNP for sharing my passion for reforms by supporting our transformation programs to improve our services to the Filipino people both as law enforcers and public servants,” dagdag pa ni Guillor.

Pinasalamatan din ni Eleazar ang taumbayan na patuloy na nakikiisa sa mga alintuntunin at batas na ipinagutupad ng pulisya.

“The figures that we present to the public as accomplishments are just part of the instruments to our main objective of winning the trust and confidence of the people. Dahil sa huli, ang tiwala at respeto ng ating mga kababayan ang siyang tunay na sukatan kung maayos nga natin na nagagawa ang ating mandato bilang mga pulis, at kung nasa tamang landas ba kami ng pagsisilbi sa sambayanang Pilipino bilang mga lingkod bayan,” he said.

“Nagpapasalamat ako sa publiko sa patuloy na pagbibigay ng kanilang tiwala sa aming organisasyon sa kabila ng mga alegasyon sa aming hanay dulot ng ilang pulis patola na sumisira sa aming imahe. Makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang kapulisan, hindi lamang sa paniniguro ng kaayusan sa paligid, kung hindi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan,” anang PNP chief.

Isa pa sa nakikita kong dahilan kung bakit mataas ang trust and approval ratings ng PNP ngayon dahil ramdam ng taumbayan na sinsero si Eleazar sa ginagawang pagdisiplina sa mga tiwaling pulis, habang tuluy-tuloy naman ang pagbibigay merito at gawad parangal sa mga magigiting na alagad ng batas.

Sa puntong ito, muli nating sinasaluduhan si Guillor dahil sa impressive na performance nito.

Isa na lang talaga ang kulang, Gen. Eleazar, iyan ay ang pagdedeklara mo sa pagtakbo sa pagkasenador sa substitution deadline sa darating na November 15.

Sana mangyari ito dahil marami ka pang magagawa para sa bayan.