MSP

‘Masked Singer Pilipinas Season 2’ Virtual audience

October 26, 2021 Ian F. Fariñas 462 views

NALALAPIT na ang pagbabalik ng masaya at top-rating celebrity musical mystery singing competition na produced ng Viva TV sa TV5, ang Masked Singer Pilipinas Season 2.

At dahil pandemic pa rin, mas magiging masaya ang pagbabalik ng programang hinu-host ni Billy Crawford kung kasama ang Pinoy audience linggu-linggo.

Kaya naman may panawagan ang produksyon sa lahat ng kapatid para maging parte ng virtual audience ng Masked Singer Pilipinas Season 2.

Ang kailangan lamang gawin ng netizens ay mag-post ng wackiest selfie sa Facebook page ng Masked Singer Pilipinas.

Ilagay ang hashtag na #MSPS2Audience at pagkatapos nu’n, kailangang hintayin ang confirmation mula sa production team na isa kayo sa mga napili para maging virtual audience ng celebrity musical mystery singing competition.

Matatandaan na makapigil-hininga ang last season ng show kung saan nagharap-harap sa final battle ang kampeon na si Daryl Ong at ang mga nakalaban niyang sina Katrina Velarde at Carlyn Ocampo.

Naging parte rin ng kumpetisyon ang iba pang sikat na singers/performers ng bansa gaya nina Renz Verano, Joey Generoso, Wency Cornejo, Lolit Carbon, atbp.

AUTHOR PROFILE