Masagana program gagamitin ng DA sa rice yield increase
PINAG-aaralan ng Department of Agriculture ang Masagana Rice Industry Development, isang programa na layuning mapalaki ang produksyon ng bigas upang makamit ng bansa ang self-sufficiency sa bigas, pagtaas ng kita ng mga magsasaka, ibaba ang presyo ng bilihin at ang potensyal na mag-export ng bigas sa ibang bansa.
Ayon kay DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. pinag-aaralan na ng DA ang programa ng nakaraang administrasyon target ang pagtaas ng produksyon habang sinisiguro ang pagtaas ng kita ng mga magsasaka.
Ang naturang programa hango sa Masagana 99 program na inilunsad noong termino ni Pangulo Ferdinand Marcos.
Kabilang sa layunin ng programa ang produksyon ng magagandang butil ng bigas, paggamit ng mga fertilizer at ang pagbuo ng isang logistics network para makapagdala ng mga inaning produkto sa merkado.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 84 na sako ng bigas kada ektarya ang inaani bilang national average.
“We’re recalibrating the program to identify areas for enhancement, including the distribution of improved seeds, expansion of irrigation systems and adjustments to rice cropping schedules,” ani Tiu Laurel.
Umaasa din si Tiu Laurel na tataas ang ani sa 7.5 metriko tonelada kada ektarya o 150 na bag na bigas sa mga targeted program area kapag ginamitan ng tamang input at teknolohiya.
Noong nakaraang taon, nakapag-ani ang Pilipinas ng record-breaking na 20.06 milyon metriko tonelada ng palay mula sa 4.82 milyong ektarya ng lupang pansakahan.
Kung magiging matagumpay, maaaring makapag-produce ang MaSaGaNa
ng taunang palay production ng higit sa 25 milyong metriko tonelada kahit na ang target yield aabot lamang sa 3.39 milyong ektarya ng irrigated farmlands.
Sa mga irrigated area, umaabot sa 4.51 metriko tonelada ang average na inaani kada ektarya samantalang 3.34 metriko tonelada ang naaani sa mga non-irrigated area, na kung saan naitala ang national average sa 4.17 metriko tonelada o mga 84 sako ng palay.
Samantala, inamin ni Tiu Laurel na maraming pagsubok ang kanilang haharapin kaya’t binigyang-diin nito ang pangangailangan sa pamumuhunan ng pamahalaan para sa agrikultura.
“After decades of neglect, we must adopt a more scientific approach to farming to boost output and manage costs effectively,” dagdag pa ni Tiu Laurel.
Binigyang-diin ni Tiu Laurel ang kahalagahan ng sustained investment, strategic planning at technological advancement upang makamit ang kanilang layunin.
“As we move forward, our aim is not just to increase productivity but also to ensure sustainability and resilience in our agricultural sector,” paliwanag ni Tiu Laurel.