Masagana 99
NOONG panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand “Ferdie” E. Marcos ay naging bukambibig ng mga Pinoy, lalo na ang mga magsasaka sa buong bansa, ang “Masagana 99.”
Ang “Masagana 99” ay isang rice production program na naglalayong mabigyang-solusyon ang noon ay “nationwide rice shortage” sa Pilipinas, isang agricultural country.
Dahil naging matagumpay ang “Masagana 99” ay hindi lang tayo naging rice self-sufficient kundi nagawa pa nating mag-export ng bigas sa mga kalapit na bansa.
Pero ngayon ay balik tayo sa pagiging major rice importer dahil ang tingin ng marami ay napabayaan ng mga nakaraang administrasyon ang sektor ng agrikultura.
Mabuti naman at ang isa sa priority programs ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay ang pagsa-saayos sa agriculture sector.
Hindi lang ‘yan. Iniutos pa ni Pangulong Marcos na i-revive o buhayin ang “Masagana 99” program na inilunsad ng kanyang yumaong ama noong Mayo 21, 1973.
Nagtagumpay ang programang ito na itaas ang average palay production ng isang ektarya mula 40 hanggang 99 sako.
Sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kanyang “Masagana Rice Industry Development Program aims to reach 97.5 percent rice self-sufficiency in five years.”
“I don’t think it has to be 100 percent…I think 97.5 percent is a good enough number,” ayon kay Marcos sa isang Rice Industry Convergence Meeting sa Quezon City.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos: “At 97 percent, we can say that we can feed all our countrymen with enough rice and supplies.”
Dapat suportahan nating lahat ang “Masagana Rice Industry Development Program” ng administrasyong Marcos para hindi ito matulad sa ibang programa ng gobyerno.
Ito ay kung gusto nating maging rice self-sufficient uli ang bansang Pilipinas, na kung saan ang kilalang International Rice Research Institute (IRRI).