Default Thumbnail

Mas maraming benepisyo ang dulot ng paggamit ng face mask

September 11, 2022 Vic Reyes 499 views

Vic ReyesHINDI lang pangongolekta ng buwis at paghabol sa mga ismagler at iba pang mandaraya sa mga pantalan ang pinagkakaabalahan ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BoC).

Kagaya ng ibang tanggapan ng gobyerno, ang BoC, na pinamumunuan ngayon ni Commissioner Yogi Fillemon Ruiz, ay kasama rin sa tinatawag na “gigantic task of nation-building.”

Sa totoo lang, hindi lang “illegal drug buster” at “tax collector” si Commissioner Ruiz kundi “fierce enemy” pa ng “money laundering and terrorist financing” sa Pilipinas.

Kamakailan nga ay sinuportahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang ginagawang paghabol ni Ruiz sa mga “money” launderer at “financier” ng mga terorista.

Nagpulong sina BoC Chief Ruiz at AMLC Executive Director Matthew David upang pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang ahensiyang ito.

Noong nakaraang taon ay nagtayo ang BoC at AMLC ng Coordination Center sa BoC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

At isa pang coordination center ang nakatakdang itayo sa mismong BoC Central Office sa Manila “to further enhance collaboration efforts between the two government agencies.

Ayon kay David, ang coordination center “will conduct trainings and workshops” para sa mga Deputized AMLC Financial Investigators (DAFIs) ng BoC.

Magde-designate pa ang AMLC ng isang “point person” para sa BoC na ang trabaho ay patatagin ang ugnayan ng mga ahensyang ito.

Good luck at mabuhay po kayo Commissioner Ruiz at Executive Director David.

***

Kamakailan ay isang mamahaling kotse o luxury car ang tinangkang ipuslit sa Port of Davao.

Pero dahil sa isang intelligence report mula sa Philippine National Police-Sasa Police Station ay nabuko ang tangkang ismagling.

Pagkatanggap ng intelligence report ay kaagad na nagpalabas si Port of Davao District Collector Erastus Sandino “Dino” B. Austria ng alert order laban sa nasabing kargamento.

Idinaan ang shipment sa isang joint physical examination noong September 1 at dito nga natuklasan na may laman pala itong isang puting Porsche III GT3 RS.

Sinuri din ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region XI ang shipment. Pero wala namang nakitang illegal drugs sa loob ng shipment na puno rin ng used automobile parts.

Ang shipment na galing ng Japan, na idineklarang naglalaman ng iba’t ibang second hand automobile parts, ay dumating sa bansa noong Agosto 31.

Ang kargamento ay naka-consigned sa isang JJCTD Import and Export Trading Corp. Ang mamahaling sasakyan o luxury car ay nagkakahalaga ng P15.3 milyon.

Pagkatapos ng physical examination ay nag-isyu ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Matatandaan na pag-upo ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ay inutusan niya ang mga district collector na lalong pag-igihin ang kani-kanilang mga trabaho at paigtingin pa ang koordinasyon sa mga partner law enforcement agency ng BOC.

***

Kailangan pa ba nating pagtalunan ang pagsusuot ng maskara sa Pilipinas?

Sa tingin natin, ang pagsusuot naman ng maskara, lalo na sa mga matao o kulong na lugar, ay para sa ating lahat.

Ang paggamit ng face mask ay isang mabisang paraan para malayo tayo sa iba’t ibang sakit, lalo na’t malala na ang air pollution sa bansa dulot ng addiction ng tao sa fossil fuel.

Ang kulang sa atin ay tamang impormasyon kung anu-anong benepisyo ang dulot ng pagsusuot ng maskara kahit wala na ang kinatatakutan nating COVID-19.

Sa totoo lang, talagang walang masama kung lagi tayong magsuot ng maskara, regular na paghuhugas ng kamay at sumunod sa social distancing policy ng gobyerno.

Wala namang mawawala sa atin kung sumunod tayo sa health at safety protocols ng gobyerno.

Pero puwede tayong mapahamak kung hindi tayo sumunod sa mga ito. Hindi lang siguro libo o milyon kundi bilyong mikrobyo ang dala-dala ng hanging pumapasok sa ating mga ilong at bunganga.

Kaya nga, hindi natin maintindihan itong si DILG Sec. Benhur Abalos.

Me mga nagsasabi tuloy na hindi daw kasi nito kayang pasunurin si Gov. Gwendolyn Garcia kaya ang siste, kinumbinse na lang ni Abalos ang AITF na irekomenda kay Pangulong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin na ang mandatory na pagsusot ng face mask.

Hayun pati tuloy ang DoH at ilang eksperto ay hindi magkandatuto ng pagpapaliwanag sa taumbayan.

Hirap kasi, may mga opisyal ng gobyerno na masyadong nagmamagaling, salto naman!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE