
Mas maayos na pagtulong
Nilinaw ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” na dahil hindi magkasya sa Ynares Center tuwing Biyernes at para masunod ang health protocols laban sa COVID-19, minarapat ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo na gawing MWF ang pay-out ng mga tulong pinansyal. “Sa mga nangangailangan po ng tulong medikal, burial assistance, at iba pa, habang nire-renovate po ang ating GAD building sa Sumulong Plaza, maaari pong makipag-ugnayan sa ating City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa Ground Floor and 2nd Floor ng Juan Sumulong Elementary School (Central) o sa kanilang official Facebook page: https://www.facebook.com/CSWDAntipoloOfficial,” pahayag ni Mayora Ynares.