Yap ACT-CIS Nominee Edvic Yap

Mas doble ingat sa Alert Level 2– Edvic Yap

November 14, 2021 People's Tonight 199 views

Pinaalalahanan ni ACT-CIS Nominee Edvic Yap ang lahat na lalong mag-ingat sa COVID-19 ngayong nasa Alert Level 2 na ang halos lahat ng lugar sa bansa.

“Napansin ko na nagiging relax ang lahat pag lumabas ng bahay na parang wala ng COVID,” ayon kay Yap.

Dagdag pa niya, “wala na ang social distancing at paggamit ng alcohol o paghugas ng kamay pag nasa labas ang mga tao.”

“Hindi porke’t nabakunahan na tayo ay hindi na tayo tatablan ng COVID, mali po yun,” aniya pa.

“Ang bakuna kasi ay proteksiyon natin para hindi tayo mamatay o maging malubha pag tinamaan tayo ng COVID. Pero perwisyo pa rin ito pag nahawa tayo na mga nabakunahan na,” pahabol ni Yap.

AUTHOR PROFILE