Marvin

MARVIN AT JOLINA BALIK-TAMBALAN

November 1, 2024 Vinia Vivar 144 views

Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling magsasama ang dating magka-loveteam na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa big screen.

Yes, kasado na ang reunion film ng MarJo na may titulong “Ex Ex Lovers.”

Ang magandang balita ay unang inanunsyo ng Project 8 Projects na pag-aari ng director couple na sina Dan Villegas and Antoinette Jadaone.

Ibinahagi ng Project 8 Projects sa Instagram ang isinagawang look test nina Marvin at Jolina.

“HUYYY!!! ito na ang COMEBACK na hinihintay niyo!! After more than 2 decades, MARJO (Marvin-Jolina) is back on the big screen! EX EX LOVERS Directed by JP Habac! See you sa mga sinehan next year, mga ka-XXL!” ang caption na nakasaad.

In another post ay makikita ang MarJo with Direk JP, JK Labajo and Loisa Andallo na kasama rin sa cast.

“Marvin Agustin and Jolina Magdangal are returning together to the big screen for ‘Ex Ex Lovers’ under the direction of JP Habac. The film also stars Juan Karlos Labajo and Loisa Andalio,” bahagi ng caption.

“This marks the first film collaboration between Cornerstone Studios and Project 8 Projects following their successful partnership on the productions of Replacing Chef Chico for Netflix and Drag Den Seasons 1 and 2 for Prime,” pahayag pa ng produksyon.

Matatandaang isa sa pinakasikat na loveteam ang MarJo during the ‘90s. Bumida sila sa mga pelikulang “Flames: The Movie” (1997), “Labs Kita… Okey ka Lang?” (1998), “Kung Ayaw Mo Huwag Mo” (1998), “Hey Babe!” (1999) and “Gimik: The Reunion” (1999).

Sa panayam ng ABS-CBN sa dalawa sa ginanap na look test, sinabi nilang sobrang excited sila about the reunion.

“Finally talaga. Kasi years ang inabot, para matuloy na talaga,” sey ni Jolens.

Sabi naman ni Marvin, “‘Yung title ‘Ex Ex Lovers’ tulad ng totoo naming buhay. Mag-ex talaga kami.”

Ayon pa kay Marvin, matagal na itong inaaabangan ng kanilang fans kaya naman talagang gusto nilang sulitin ang paghihintay ng mga ito once na ipinalabas na ang movie.

“Nakakakaba kasi masyado na silang nag-e-expect. We really worked with sila Tonet and sila Dan, para ‘yung pelikulang matagal na nila hinihintay ay ‘yung tipong mag-e-enjoy talaga sila. Hindi lang ‘yung tandem namin ang magbabalik, pati ‘yung pakiramdam nung mga ’90s — ‘yun ‘yung saya namin kasi naiintindihan nila Tonet, ‘yung pakiramdam ng mga fans at mga taong nanood ng pelikula namin,” sey ni Marvin.

AUTHOR PROFILE

Showbiz

SHOW ALL

Calendar