WHAT'S NEW

SEE ALL
Shipshow

MarVen preem, dinumog ng fans

August 9, 2023 Ian F. Fariรฑas 178 views

DINUMOG ng MarVen fans ang red-carpet premiere ng The Ship Show, ang kauna-unahang pagtatambal sa pelikula nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, na ginanap sa SM Megamall nitong Martes ng gabi.

Mula sa red carpet hanggang sa loob ng sinehan, nakakabingi ang tilian at hiyawan. Napaka-sexy ng napiling OOTD ni Heaven na may pa-cleavage at matching pa-legs habang si naman Marco ay may pa-abs. Siyempre, present din ang direktor nilang si Jason Paul Laxamana pati na ang support cast na sina Tomas Rodriguez, Ashtine Olviga, PJ Rosario, Angelic Guzman, Migo Valid, Janine Teรฑoso, Martin Venegas, Madelaine Red, Rabin Angeles at Bianca Santos na in fairness, tinitilian din ang mga eksena.

Simple lang ang istorya na umiikot sa search para sa bagong loveteam sa House of Kilig na mala-PBB pero nanunuot ang bigat at gaan ng sitwasyon ng bawat karakter.

Samuโ€™t saring emosyon nga ang mararamdaman habang nanood ng The Ship Show dahil tatawa, iiyak at higit sa lahat, maiinlab kayo.

Produced ng Viva Films, ang The Ship Show ay binigyan ng โ€œPGโ€ rating ng MTRCB.

Nagbukas ito sa mga sinehan nationwide kahapon, August 9.