Darryl Yap

‘Martyr or Murderer,’ sandamakmak ang imbitasyon na mag-preem abroad

February 21, 2023 Ian F. Fariñas 729 views

SA March 1 pa ang playdate ng Viva Films movie na Martyr or Murderer pero ngayon pa lang ay sandamakmak na ang imbitasyon nito para mag-premiere sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Mismong si Viva big boss Vic del Rosario ang nagkumpirma nito sa katatapos na grand mediacon ng Darryl Yap film.

Ayon kay Boss Vic, posibleng magkaroon ng premiere showing ang MoM sa Japan, Dubai, Hawaii at Amerika.

“Malaki ‘yung pelikula, abangan nila. Sana tangkilikin lalo nila ‘yung mga nanood ng pelikula, ng Maid in Malacañang. Mas maganda, mas malaki itong pelikula na ‘to,” patuloy ni Boss Vic.

Maganda nga raw na bumabalik na ang mga tao sa panonood sa mga sinehan at kitang-kita iyon sa resulta ng 2022 Metro Manila filmfest (MMFF).

“So, hopefully, magiging blockbuster ulit ito,” aniya pa patungkol sa MoM.

Kinumpirma rin ng Viva exec na nag-submit sila ng entries sa 2023 Summer filmfest at MMFF sa December.

“I think next week, ia-announce nila. sana may pumasok,” dagdag niya.

Nang papiliin kung ano ang mas bet niya, award ba o kita sa box office, ang tumataginting na sagot ni Boss Vic, “Pareho!”

AUTHOR PROFILE