Sofronio1 Sofronio Vasquez at Michael Buble

Martin malaki ang kinalaman sa panalo ni Sofronio sa ‘The Voice USA’

December 13, 2024 Eugene E. Asis 134 views
Martin1
Martin Nievera

PROUD na proud si Martin Nievera sa pagkapanalo ni Sofronio Vasquez sa katatapos lamang na ‘The Voice Season 26’ sa Amerika.

Isang personal na adhikain ni Martin na makilala sa buong mundo ang maraming Pilipino sa larangan ng pag-awit. Natutuwa siya bilang isang Pilipino hindi lang dahil personal niyang kaibigan si Sofronio.

Ayon sa Concert King, halos araw-araw silang nagti-text ni Sofronio lalo na noong semi-finals sa ‘The Voice.’ Excited siyang malaman kung ano na ang nangyayari sa journey ni Sofronio sa naturang singing contest.

“Sofronio and I have been texting each other during the semifinals, not just because I believe in his talent, not just because I believe in his cause, to be able to make it in this world today, you need more than just a good song and great voice, you need to have a calling and a purpose, and his purpose was to make his country proud,” kuwento ni Martin.

Sa blind audition ng The Voice, nakakuha si Sofronio ng four-chair turner. Nang malaman ng isa sa coaches na si Michael Buble na isa siyang Filipino, kaagad daw nitong tanong sa kanya: ‘Do you know Martin Nievera?’

Naging mabilis ang koneksyon ni Sofronio kay Michael bilang coach dahil kay Martin na ayon sa Concert King ay ‘kumpare’ niya.

Kuwento ni Martin: “No one knows that when his chair turned, the first thing he said, ‘you’re Filipino, do you know Martin Nievera?’ Of course, they edited it out because no one there knows who Martin Nievera is,”

Kaya naman, nang maging coach na ni Sofronio si Michael, magaganda at kapaki-pakinabang na payo ang ibinigay ng sikat na Canadian crooner sa una,

“Save a dream for yourself,” sabi raw ni Michael kay Sofronio na lubhang naging inspirasyon para sa Filipino singer ‘The Voice USA’ winner na bagama’t nasa Los Angeles, California ngayon ay naka-base na sa New York.

AUTHOR PROFILE