Marry

‘Marry Your Daughter,’ may bagong bersyon

July 19, 2021 People's Tonight 160 views

Nagsanib-pwersa ang American music artist na si Brian McKnight Jr. at Sri Lankan singer-songwriter at producer na si Charin Mendes para sa Marry Your Daughter (Aradhana), isang Sinhalese version ng hit na kanta mula sa Tarsier Records ng ABS-CBN.

Dahil madalas na magkatrabaho simula pa noong 2017, excited sina Charin at Brian Jr. na i-release ang Marry Your Daughter sa Sinhalese, na isa sa national languages sa Sri Lanka.

Nakuha ni Charin ang inspirasyon para sa bersyon na ito nang minsang um-attend sa kasal ng isang kaibigan niya.

“The lyrics on the first verse came together in my head almost instantly and I wrote it down on my phone. That set the tone and rhythm for the rest of the Sinhala lyrics which I wrote the next day,” aniya.

Swak na swak pa rin sa mensahe ng kanta tungkol sa isang lalaki na hinihingi ang kamay ng isang babae sa tatay nito para sa isang kasal ang localized title ng kanta na Aradhana, na nangangahulugang “imbitasyon mula sa tadhana para magsama habangbuhay ang dalawang tao.”

Pakinggan ang Marry Your Daughter (Aradhana) sa Spotify, Apple Music, Deezer, Tidal at iba pang digital music platforms.

AUTHOR PROFILE