Marlo

Marlo, may babala sa nagkakalat ng fake news na nanunulot siya ng boyfriend

August 18, 2023 Vinia Vivar 395 views

Nagbabala na gagawa ng kaukulang aksyon ang aktor/singer na si Marlo Motel laban sa isang netizen na may username na Yuki Zaragoza dahil sa ipinost nito sa Facebook last August 15.

Sa nasabing post na may titulong “An Open Letter to Marlo Motel” ay pinaparatangan ng netizen si Marlo na nanunulot ng boyfriend.

Sinabi rin nito na nagyayaya si Marlo ng threesome at nag-attempt pa na lasingin ang boyfriend niya nang lumabas sila.

Ayon pa sa netizen, nag-message nasiya kay Marlo tungkol dito pero hindi nag-respond ang aktor/singer at patuloy pa rin daw sa pangha-harass sa kanyang BF.

Sa kanyang Facebook account ay sumagot si Marlo at aniya ay naiforward na niya ang screenshots ng naturang post na tinawag niyang “fake story” sa higher authority.

“I’m just out of town atm. But re. the FAKE STORY from a Dummy account, the screenshots have already been forwarded to higher authority. Thanks to those who are helping me here,” pahayag ni Marlo.

Binalaan din niya ang iba pang netizens na may kinalaman sa pagkalat ng nasabing umano’y fake news.

“Everyone who are also involved in spreading this fake news are being looked into,” pagbabanta ni Marlo.

AUTHOR PROFILE