Markus

MARKUS, NAMI-MISS ANG PANAHONG SILA PA SI JANELLA

August 6, 2023 Vinia Vivar 282 views

Inamin ni Markus Paterson na wala pa sa isip niya ang pakikipagbalikan kay Janella Salvador although nami-miss niya rin naman ‘yung time na sila pa.

“Nakaka-miss din na may maghihintay sa ‘yo sa bahay. You know, when you wake up and you tell them about your day or you tell them about your dreams, nakaka-miss din ‘yun,” pag-amin ni Markus sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.

“Kasi, I don’t know, I’m a relationship kind of guy but being single for this long has kind of like helped me focus more on myself kasi ang dami ko ring faults, eh, ang dami ko ring imperfections about myself na kailangan ko ring iayos,” patuloy niya.

Inaayos niya ang lahat ng mga imperfection na ito to become a better father sa anak nila ni Janella na si Jude.

“Masaya naman ako, sobra,” aniya pa.

Asked about the idea of getting back together with Janella, ani Markus ay hindi niya masabi sa ngayon.

“Mahirap sabihin, eh. Kasi parang hindi naman kami nagkikita. Hindi naman kami nag-uusap araw-araw tungkol sa sarili namin. Puro tungkol kay Jude, eh. Araw-araw naman kaming nag-uusap but tungkol kay Jude, of course.

“Gusto ko lang na maging masaya siya at masaya naman siya sa buhay niya ngayon. Busy siya sa work niya and everything is going smoothly. Sobrang okay ‘yung co-parenting ano (set-up) namin,” aniya.

“Hindi pumapasok sa isip ko na parang ‘do I wanna get back with her?’ It’s just not priority right now for either of us, I feel. Parang mas focused kami kay Jude ngayon,” dagdag pa ng aktor.

Natanong din kung wala ba siyang ibang babaeng nililigawan ngayon aniya, “Wala, wala. Wala sa isip ko ‘yung manligaw ulit.”

AUTHOR PROFILE