Default Thumbnail

Mark kumampi kay Rico

December 5, 2024 Vinia Vivar 124 views

Nagpahayag ng simpatiya at suporta si Mark Escueta para sa kapwa-singer at dating kabanda sa Rivermaya na si Rico Blanco. Ito ay sa gitna ng malaking kontrobersiya tungkol sa magka-lovetam na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Kasalukuyang pinagpipiyestahan ang napakalaking pasabog ng non-showbiz ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva tungkol sa partisipasyon ni Maris sa kanilang breakup.

Ang daming inilabas na resibo ni Jam na kung paniniwalaan lahat ay masasabi ngang may “something” sa pagitan ng kanyang ex-BF at ng ex-girfriend ni Rico na si Maris.

Sa Facebook ni Mark kahapon ay buong ningning niyang ipinakita ang suporta kay Rico.

“#TeamRico” ang maikli pero makahulugang mensahe ni Mark.

Marami namang netizens ang pumabor sa post ni Mark.

AUTHOR PROFILE