Mark

Mark, iniyakan ang pagkaka-Covid ng anak

January 29, 2022 Vinia Vivar 508 views

Tinamaan din ng COVID-19 si Mark Herras pati na ang asawa niyang si Nicole Dionesa at baby nilang si Corky.

Ganu’n na nga lang daw ang pag-aalala nila nang pati ang baby nila ay mahawa.

“After two days of trangkaso, nahawa si Corky. So sobrang stressed kami, ako napaiyak, umiiyak ako noong gabi kasi nakita ko kung paano nahirapan ‘yung bata,” sey ni Mark sa panayam sa 24 Oras.

Thankfully ay gumaling na rin naman agad sila at ang kanilang baby.

“Pero sa awa naman ng Diyos, after a week lang din, medyo nawala na ‘yung symptoms namin,” sey pa ni Mark.

Napakarami talagang nagpopositibo ngayon at maipagpapasalamat mo na lang talaga na kahit tinamaan ka ay naka-survive ka nang hindi naospital.

PEKENG ACCOUNT

Nilinaw agad ni Joshua Garcia na hindi kanya ang Facebook account na may pangalan at profile picture niya.

Sa nasabing Joshua Garcia FB account ay may post ng larawan nila ni Ria Atayde at may caption na “ikaw ang aking liwanag.”

Nang makita nga ito ng mga netizen ay inakalang si Joshua talaga ang nag-post at lalong nadagdagan ang Ispekulasyon na talagang nagkakamabutihan na si Ria at ang aktor.

Ni-repost ng fans ang nasabing post at tinag pa si Ria.

Sa kanyang Instagram Story ay klinaro ni Joshua na hindi kanya ang FB account.

“Hello! This is not mine! I don’t have a Facebook Page! Thank you,” pahayag ng aktor.

Kung titingnan mo ang previous posts ng fake FB page ni Joshua ay mahahalata mo namang poser talaga ito.

JOSHUA, DESERVE SUMAYA — JANELLA

Inamin ni Janella Salvador na matagal na niyang alam na crush siya dati ni Joshua Garcia.

Ibinuking kasi ni Daniel Padilla na sa lahat daw ng naging leading lady ni Joshua, si Janella ang naging crush nito.

Ang reaksyon naman ni Janella tungkol dito, sinabi na raw ito sa kanya ni Joshua nang magkasama sila sa The Killer Bride.

“Sinabi naman na niya ’yun sa ’kin dati,” ani Janella sa interview with Ogie Diaz.

“Nu’ng Killer Bride pa, he told me. Saka nakita ko rin ’yung ibang interviews niya dati. So, napag-usapan namin ’yun ni Joshua dati.”

Ikinatuwa nga raw ni Janella ang respeto na mayroon si Joshua for her.

“Natuwa ako sa kanya kasi ’yung pagkasabi niya sa akin, he really respects me so, ‘yun ‘yung maganda kay Joshua,” she said.

Sey pa ng aktres, very good friends sila ni Joshua at alam niyang magiging masaya rin ang aktor soon.

“Magiging masaya rin si Joshua, deserve niya ‘yun,” ang sey ni Janella na parang may alam sa nangyayari ngayon sa aktor.

Tinanong nga siya ni Ogie kung may idea ba siya kung sino, sagot ni Janella, “Pag-isipan ko muna. Sino ba?”

AUTHOR PROFILE