Lolit

Mark, binitawan ni Lolit! … malaking cash advance ng aktor sa GMA, binuking ng talent manager

August 20, 2021 People's Tonight 53 views

MarkheBINITAWAN na ni Manay Lolit Solis bilang alaga si Mark Herras simula kahapon base sa post niya sa kanyang Instagram.

Masakit man sa loob ni Manay ang pagbitaw kay Mark, nais na niyang ipaubaya sa GMA Artist Center ang tinaguriang “bad boy of the dance floor.”

Si Mark ang first winner ng GMA artista search ng Kapuso Network na StarStruck.

“At para na rin sa iyon nakukuha ko na komisyon mula sa kanya hindi na mababawas sa konti niyang kinikita,” bahagi ng caption ni Manay sa picture ni Mark.

Nabuking tuloy sa post niya na malaki ang cash advance sa GMA7 na binabayaran ni Mark.

“Ayaw ko nang maging bahagi ng buhay niya ngayon… Maayos ang finances niya… You’re on your own now. Be happy and safe,” dagdag pa ni Manay Lolit.

DISKARTE NI BOOBSIE

BALIKAN ang pagiging madiskarte sa buhay ni Boobsie dahil ang kuwento ng buhay niya ang mapapanood sa Magpakailanman ngayong gabi.

Si Boobsie mismo ang gaganap sa kuwento ng buhay niya at nakakabilib ang tapang niya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Ang alam namin, nadiskubre ni Allan K si Boobsie sa isang out of the country show nito.

Hinikayat niyang bumalik sa bansa at maging singer at stand-up comedian sa comedy bars niya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE