Bautista

Mark Bautista na-hack Instagram account

August 7, 2023 People's Tonight 399 views

MAKIKITA sa official Instagram account ng singer-actor na si Mark Bautista na hindi mga larawan niya o tungkol sa kanya ang mga naka-post kundi larawan ng mga seksing babae.

Nawala ang kanyang mga larawan at napalitan ang mga posts maging ang kanyang profile picture, pero nananatili pa ring “Mark Bautista” ang username at display name ng nasabing account.

Paglilinaw naman ng singer-actor sa kanyang Facebook page na na-hack ang kanyang Instagram account.

“My Instagram account has been hacked,” pahayag ni Mark.

Dagdag pa niya na sinusubukan niyang bawiin ang account at humihiling sa netizens na sana’y tulungan siya sa pag-report.

“Guys ill try to retrieve it. But for now pls help me report it. Thanks.. haaay,” ani Mark.

AUTHOR PROFILE