
Mark at Nicole naghahanda nang lumipat
UMAASA ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa na makalipat na sila sa kanilang ipinagawang bahay by the time na lumabas ang kanilang second child na baby girl.
Nagkaroon na ng intimate soft blessing ang kanilang brand new house na puwede na nilang lipatan anyday.
The celebrity couple who got engaged nung June 2020 ay ikinasal sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding sa Quezon City Hall officiated by Mayor Joy Belmonte.
Bago naging misis ni Mark si Nicole ay matagal niyang naging kasintahan si Ynna Asistio (panganay na anak ng actress na si Nadia Montenegro sa namayapang dating mayor ng Caloocan na si Boy Asistio). Naging kasintahan din niya ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez who is now engaged sa kanyang non-showbiz fiancé at meron na silang isang anak na si Luna.
Lately ay halos walang bagong assignment sa GMA ang actor-dancer na si Mark kaya pati ang pagsasayaw sa isang gay bar ay pinatulan niya lalupa’t manganganak ang kanyang misis sa kanilang second child at maglilipat na sila sa kanilang ipinagawang bahay.
Nali-link din sa businessman-singer na si Jojo Mendrez ang kauna-unahang Ultimate Male Survivor sa talent reality show na Starstruck na pinagmulan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado who is now happily married sa Kapuso actor na si Dennis Trillo at meron na rin silang isang anak na si Dylan bukod sa kanilang magkahiwalay na tig-isang anak na lalake sa kanilang respective ex-partners na sina Patrick Garcia at Carlene Aguilar. Pero ito’y klinaro ng actor-dancer na purely professional ang kanilang relasyon ata pagiging magkaibigan dahil kinuha umano siya para mag-guest sa music video ni Jojo.
Lalo pang uminit ang mga espekulasyon kina Mark at Jojo nang dumating ang Kapuso actor-dancer sa presscon ni Jojo na may bitbit na bulaklak sabay yakap sa singer na may strong follower dahil ni-revive nito ang kantang pinasikat ng mayapang teenstar na si Julie Vega, ang “Somewhere In My Past” who died on May 6, 1985 sa edad na 16 dahil sa pneumonia.
Ayon kay Mark, malapit umano siya sa mga gay because he was raised by his gay `parents’.
Viva tagumpay din sa food business
VIVA Group of Companies (Viva Communications) chairman, Boss Vic del Rosario, Jr. is not resting on his present laurels by just concentrating on his businesses sa entertainment world being a multi-media corporation. Not a lot of people know that his international food business is also fast growing being the local franchisor ng iba’t ibang leading food brands mula sa iba’t ibang bansa which he started out with Japan’s Botejyu na meron na halos 100 branches nationwide na sinundan ng Wingzone, Pepe Cubano, Papermoon, Yogorino and Greyhound among others na meron na ring mga branches na matatagpuan sa malalaking malls especially in Metro Manila. As if these are not enough ang Viva International Food and Restaurants, Inc. ay may tatlong international brands na idinagdag and were recently launched, ang Maple Tree House na killala sa authentic Korean BBQ, ang Hsiao Yueh ng Taiwan at ang Rossopomodoro which is known of its authentic Neapolitan style pizza na lahat matatagpuan sa SM Mall of Asia and soon in other popular malls.
Ang Viva International Food and Restaurants, Inc. (VIFRI) ay subsidiary ng Viva Group of Companies na pinamumunuan mismo ng seasoned businessman ang visionary na si Boss Vic del Rosario na tulong na rin ng kanyang mga anak na sina Vincente del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, Valerie del Rosario and VR del Rosario na siyang nangangasiwa as president ng Viva International Foods and Restaurants business.
Boss Vic’s eldest son na si Vincent ay siyang tumatayong president ng Viva Communication, Veronique is president ng Viva Artists Agency, ang talent management company habang si Valerie naman ay siyang head ng film and TV production. Boss Vic’s younger sister na si Tess del Rosario-Cruz is the finance head ng Viva Group of Companies. Nasa bakuran na rin ng Viva ang tatlong grandchildren ni Boss Vic sa kanyang panganay na si Vincent del Rosario na may kani-kanya na ring posisyon sa Del Rosario-owned companies.
Nasa bakuran din ng Viva ang mga trusted and loyal executives, officers and employees ng kumpanya na pinangungunahan nina Antonio `Tony’ Ocampo, Carmencita `Baby’ Gil at kapataid nitong si Guia Gil-Ferrer na kasama na ni Boss Vic sa bakuran ng una nitong kumpanya with his first cousin na si Orly Ilacad (who owns OctoArts) during their heydays at Vicor Music Corporation, ang leading record company nung dekada sitenta.
Bukod sa kanyang multi-media companies (films and TV production, recording, talent management, publishing, live concert productions at iba pa, hindi rin nagpapahuli ang business mogul when it comes to food business na nagbibigay ng trabaho sa libu-lubong mga empleyado.
Kristel at Korean boyfriend engaged na
THIRTY-year-old singer-actress and vlogger Kristel Fulgar is now engaged sa kanyang South Korean boyfriend na si Ha Su-hyuk at ito’y ibinalita ng dating miyembro ng now-defunct hit family gag show, ang “Goin’ Bulilit” sa sarili niyang vlog recently.
Kristel and Ha Su-hyuk were introduced by a common Filipino friend nung 2023 in Seoul, Korea kung saan ngayon naka-base ang singer-actress-vlogger matapos itong mag-aral sa isang unibersidad in Seoul ng Korean language matapos siyang lumagda ng talent management sa nasabing bansa.
No boyfriend since birth ang pag-amin ni Kristel who finally had a boyfriend at age 29.
Kahit gusto na noon pa ni Kristel si Ha Su-hyuk ay nagkaroon siya ng reservation na ito’y tanggapin dahil sa kanyang kinaaanibang rehiliyon, ang Iglesia ni Cristo (INC). Dahil mahal na mahal ni Ha Su-hyuk si Kristel, nagpa-convert ito sa INC in Seoul, South Korea witnessed by close friends at mother mismo ni Kristel na si Emily Fulgar na lumipad pa ng Seoul para saksihan ang nasabing okasyon. At pagkatapos nito ay saka lamang sinagot ni Kristel ang Korean suitor.
It was only in November 2024 nang opisyal na maging magkasintahan ang dalawa. Ha Su-hyuk was introduced to Kristel’s family except her mother na na-meet na noon pa ng Koreano. Nakilala ng first boyfriend ni Kristel ang kanyang brother, her sister-in- law, niece, grandmother at iba pang mga kaanak and friends.
This February ay nag-propose ang nobyo ni Kristel sa rooftop ng isang building in Seoul kung saan niya nakakuntsaba ang ilang kaibigan ni Kristel magang ang pamilya nito.
Since iba naman ang kultura ng mga Pinoy, sinunod ni Ha Su-Hyuk ang pagpu-propose kung saan sinorpresa ito ang kasintahan with a marriage proposal by kneeling on his left knee sabay bunot ng isang jewelry box na nasa loob ng kanyang bulsa na naglalaman ng engagement ring at dito nya sinambit ang “Baby, will you marry me?” na ikinagulat at sabay sagot ng `YES’ ng singer-actress vlogger.
Although pinag-uusapan pa lamang nila ang kanilang upcoming wedding, si Ha Su-hyuk ang una’t huling boyfriend ni Kristel na masayang-masaya ngayon dahil dumating sa kanyang buhay ang lalaking matagal niyang hinintay at nagmamahal sa kanya ng tunay.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.