Ronnie

Mariz at Ronnie, balik sa pag-arte, may bagong negosyo

October 5, 2024 Aster Amoyo 411 views

BALIK sa pag-arte ang mag-asawang Ronnie Ricketts at Mariz Ricketts. Matagal-tagal din silang nagpahinga sa showbiz to focus on other things including business.

Sa dalawa, naunang mag-balik-showbiz si Mariz who already appeared in two TV drama series ng GMA, ang “Apoy sa Langit” nung 2022 at ang bagong nagtapos na “Asawa ng Asawa Ko”.

Although nagkaroon ng guest appearance si Ronnie sa “FPJ’s Ang Probinsyano in 2021, ngayon lamang muli mapapanood si Ronnie sa isang TV series sa pamamagitan ng action-drama na “Mga Batang Riles” na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix kasama sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Antonio Vinzon at Zephanie. Tampok din sa nasabing action-drama series sina Diana Zubiri, Desiree del Valle, Jay Manalo at Eva Darren na pinamamahalaan ni Richard Arellano na isa sa mga director ng hit action-drama ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN Studios, ang “Iron Heart”.

Hindi sanay si Ronnie sa working hours sa tapings ng mga TV series kaya ito’y tinatanggihan niya noon lalupa’t isa itong TV adaptation sa pelikulang produced ng Viva Films in 1992 na tinampukan naman nina Keempee de Leon, Joko Diaz, Kier Legaspi at Ogie Alcasid.

May plano rin ang mag-asawang Ronnie at Mariz na bumalik sa pagpu-produce ng pelikula under Rocketts Productions na matagal-tagal na rin nilang hindi ginagawa.

Masaya rin ang mag-asawa dahil pareho nang nagtapos sa kanilang pag-aaral ang dalawa nilang anak na sina Marella at Raechelle.

Si Marella ay nagtapos ng AB Communication, minor in BFA Creative Writing sa Ateneo de Manila University and took her Masters in Communications in Paris kung saan ito ngayon nagta-trabaho.

Si Raechelle naman ay grumadweyt ng Industrial Design sa De la Salle College of St. Benilde at may trabaho na rin. Kaya puwede nang mag-sitting pretty ang mag-asawa dahil pareho nang tapos ang dalawa nilang anak na pareho na ring may trabaho. Wala na rin silang pinapag-aral at binibigyan ng allowance araw-araw.

Since parehong may entrepreneurship skills ang mag-asawa, the couple business partnered with Dr. Eugene Kenselman (PT, DPT, RYT,CSCS,FAAOMPT), Dr. Andrei Altavas (PTRP, DSc, FAAOMPT) Roly Dimol (PTRP,OMPT-C) at ang nakatatandang kapatid ni Mariz na si Vladimir Camurungan (PT, FAAOMPT). Together they formed PTXperts Orthopedic, Spine & Sports Clinic na matatagpuan sa unang palapag ng Victoria Sports Tower, 799 EDSA,South Triangle, Quezon City na may mobile number na 0962-7104965 and email address na [email protected].

Ang mga services ng clinic include physical therapy, musculoskeletal and spinal conditions, orthopedic manual physical therapy, mechanical diagnosis and therary, post surgical physical therapy (hip, knee, shoulder, ACL, rotator cuff), cardiovascular conditioning programs, cranio-mandibular physical therapy, headache management, sports physical therapy assessments and injury management and/ vestibular physical therary. Kasama rin dito ang kanilang advanced treatments in conservative pain management, mechanical diagnosis and therapy (MDT), medical exercise therapy (MET), recovery of function, neurodynamics, E-stim dry needling, ultrasound guilded percutaneous electrolysis at focused shockwave therapy (Mechanotherapy).

PTXperts Orthopedic, Spine and Sports Clinic treats chronic back pain, disc herniation, degenerative disc diseases, back fractures, Sciatica, spinal deformities (scoliosis, kyphosis), spinal stenosis, lumbar radiculopathy at spinal trauma. Tini-treat din nila ang madalas na nagiging problema sa elbow (bicep tendon rupture, chronic elbow pan, golfer’s elbow (Medial Epicondylitis), foot/ankle (ankle laxity, chronic foot pain, heel spurs, plantar fasciitis, skin splints, ankle sprains/strains and ankle tendonistis), hand/wrist (arthritis and carpal tunnel syndrome), head/neck (chronic neck pain, cervical disc herniations, TMJ and jaw pain, concussion, dizzinies and balance) , hip (hip bursitis, chronic hip and groin pain, groin strain and osteoarthritis), knee (chronic knee pain, knew sprains/strains, meniscal teat and osteoarthritis) and shoulder (frozen shoulder and rotator cuff tear).

Manong Chavit gustong makatuwang si Manny sa Senado

IT was in August 2024 nang i-anunsyo ng businessman and politician na dating governor ng Vigan, Ilocos Sur at dating mayor ng Narvacan, Ilocos Sur na si Luis `Chavit’ Crisologo Singson na siya’y muling papalaot sa larangan ng pulitika sa darating na mid-term elections (May 12, 2025) kung saan siya muling tatakbo sa pagka-senador na sinubukan niya nung 2007 national elections but lost.

Manong Chavit as he is fondly called by his friends and people close to him is the longest-sitting governor of Vigan, Ilocos Sur which he transformed into a flourishing city and one of the country’s tourist destinations.

Although nasa retired mode na si Manong Chavit sa kanyang political career, ang tawag ng public service ay mahirap pa ring talikuran although tuluy-tuloy naman ang kanyang pagtulong kahit hindi na siya public servant.

“Marami pa rin tayong magagawa at maitutulong kapag tayo’y pinagbigyang maupo sa senado,” aniya.

Ang kanyang close friend na minsan niyang nakatampuhan, ang boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao ay muli ring kakandidato sa pagka-senador.

“Magkakatulungan kami ni Manny kapag pareho kaming palarin sa senado,” pahayag pa niya.

Wala pang sinasabi ni Manong Chavit kung aling partido siya aanib dahil naihayag na ng administration party ang kanilang line-up sa pagka-senador kung saan hindi kasama ang pangalan ng dating gobernador ng Vigan, Ilocos Sur. O baka naman tatakbo siya bilang independent candidate.

Sen. Cynthia, nagparaya kay Rep. Camille

MARAMI pa ang iba pang kilalang personalidad ang inaasahang magpa-file ng kanilang kandidatura hanggang Martes, October 8, 2024 na siyang pagtatapos ng pagpa-file ng COCs (Certificate of Candicacy).

Magpaparaya na si Sen. Cynthia Villar sa kanyang bunsong anak at kaisa-isang anak na babae na si Rep. Camille Villar na nag-file na ng kanyang kandidatura sa pagka-senador. Ang businesswoman at dating TV host ay sinamahan ng kanyang ama, ang dating senador at business tycoon na si Manny Villar at kapatid na si Sen. Mark Villar.

Since magre-retiro na si Sen. Cynthia sa pagiging senador ay makakatuwang na ito ni former Sen. Manny sa pagpapatakbo sa kanilang mga negosyo sa tulong pa rin ng kanilang tatlong anak na sina Paolo (eldest), Mark (second) at bunsong si Camille.

The political dynasty in the Philippines is here to stay at hindi na kailanman mababago pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE