Maritime education palalakasin ni PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palalakasin pa ang maritime education sa bansa.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos na binasa ni Presidential Assistant on Maritime Concerns Secretary Andres Centino, sinabi nito na lilikha ang pamahalaan ng bagong breed ng mga Filipino sailors.
“We assure you that we will continue to improve our country’s maritime education sector to make it more responsive to the evolving needs of our nation and the global maritime industry,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa 201st Commencement Exercises of the Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “MANDAGAYAN” Class of 2024 sa Zambales.
Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan ang pagrebisa sa standards para sa Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering programs na inilabas sa pamamagitan ng joint memorandum ng Maritime Industry Authority (MIA) at Commission on Higher Education (CHED).
Kasama sa mga polisiya ayon kay Pangulong Marcos ang pag-monitor at pag-evaluate sa maritime higher education institutions.
“This helps guarantee that your education meets the highest global standards in line with the International Convention on Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“With all the initiatives the government is pursuing in the maritime sector, I am certain that we will be ushering in a new breed of Filipino sailors who will change our maritime landscape and even the rest of the world for the better,” dagdag ni Pangulong Marcos.