Marissa

Marissa nagtapos ng kolehiyo sa edad 68

September 5, 2023 Aster Amoyo 1189 views

Marissa1Marissa2Marissa3Marissa4Marissa5AWARD-winning Filipino-Irish veteran actress and businesswoman Marissa Delgado (Epifania Boyle in real life) was only in her teens when she entered showbiz. And still in her teens when she settled down with her common law ex- husband, 18 years her senior and the father of her two children – Avon Garcia and Siegfried Garcia (Kevin Delgado) who are both grown-up and helping her out with her manpower recruitment business, Mardel International which develops, trains and sends OFW workers abroad particularly in Asia and the Middle East.

Avon and Kevin both entered showbiz when they were both young but stopped to focus on their family’s business. Avon tried showbiz and beauty pageantry for sometime, got married and had been separated without a child habang si Siegfried na nakilala as Kevin Delgado in showbiz ay nagkaroon ng sariling pamilya at malalaki na rin ang mga anak.

Thankful si Marissa sa kanyang dalawang anak na siyang katuwang niya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo which stopped for a while during the pandemic. Muling bumalik ang operasyon nito nang magbukas ang mga negosyo after almost three years.

Almost twelve years din tumagal ang naging relasyon ni Marissa sa kanyang common law husband who was a businessman pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

Si Marissa ay lumaki na walang amang nasilayan at naiinggit umano siya noon sa ibang bata na kumpleto ang mga magulang laluna kapag may activities in school.

When she was still a kid, she was clueless kung patay o buhay pa ang kanyang Irish father dahil wala umanong nagsasabi sa kanya maging ang kanyang sariling ina, grandparents and even her aunts. Diumano, umalis ito patungong Afghanistan para mag-trabaho when she was about two years old at seven months old naman ang kanyang nakababatang kapatid na lalake. Hindi na ito bumalik.

While growing up, mas lalong naging inquisitive si Marissa about her biological father. Her other relatives would tell her na buhay pa ang kanyang ama at ito’y nasa Amerika at doon na naka-base.

Hanggang nong 1973 when she was in her mid-20s when Marissa finally found her biological father in the US. Nakilala rin nito ang kanyang dalawang anak na sina Avon at Siegfriend maging ang kanyang nakababatang kapatid. Magmula noon ay naging constant na ang komunikasyon ng mag-ama.

At one point, isinama ni Marissa ang kanyang ina sa Amerika and stayed in one of her friend’s house. Nang sabihin ng aktres sa kanyang ama na nasa Amerika rin ang kanyang ina, he requested his daughter na kung puwede umano silang magkita which Marissa obliged. Nang magkita ang dating mag-partner, muling na-rekindle ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Her parents drove to Las Vegas, Nevada at doon nagpakasal na nasundan ng isang bigger wedding ceremony in California, USA attended by their respective families and friends.

Since aktibo na noon si Marissa sa kanyang acting career, she would fly back and forth to the US to visit her parents laluna nung may sakit na ang kanyang ama. When her father passed on ay iniuwi niya ng Pilipinas ang kanyang ina. Sumakabilang-buhay ito a few years after the death of her father.

“Napakaganda ng love story ng parents ko,” aniya. “At least, happy ending silang dalawa,” dugtong pa ni Marissa.

Ayon sa actress, natupad umano ang kanyang three wishes whch she prayed for – ang makita at makilala ang kanyang ama, ang siya’y makapasok sa pag-aartista at makapatapos ng kanyang pag-aaral ng high school.

Kahit nag-aartista na noon si Marissa, naghanap pa rin ito ng ibang pagkakakitaan to support her family laluna ang kanyang dalawang anak.

“MD Rolling Store” ang tawag sa kanya noon ng yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. dahil damarating umano siya sa set na punum-puno umano ng mga paninda ang kanyang sasakyan including imported clothes and pants. She would sell her goods and various items sa loob ng sasakyan niya sa mga artista, , director and production staff at mabili umano ang kanyang mga items.

“Additional income ko `yon bukod pa sa kinikita ko sa pag-aartista,” pagbabalik -tanaw ni Marissa during our exclusive interview with her para sa aming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo”.

“I was supporting not only my two children but also my family,” aniya.

It was in 1985 nang itatag ni Marissa ang kanyang recruitment and talent agency, ang Mardel International na kanyang sinimulan sa pagpapadala ng mga Filipino entertainers abroad laluna sa Japan. Years later ay nagsimula na siyang magpadala ng mga OFW sa iba pang Asian countries maging sa Middle East.

Dahil sa kanyang negosyo, nakapagpatayo si Marissa ng isang three-storey building in Manila at nakapag-invest sa iba pang real estate properties including in Tagaytay kung saan ginaganap ang massive training ng mga OFW bago ipadala sa ibang bansa.

“They should be trained properly para well-equipped sila pagdating sa ibang bansa,” pahayag ni Marissa na tumutulong pang maghanap ng mga applicants mula sa iba’t ibang probinsya na sasailalim ng training.

“Sa awa ng Diyos, libu-libo na ang mga natulungan namin to find jobs sa ibang bansa,” pagmamalaki pa ni Marissal Now in operation for nearly 40 years, ang Mardel International ni Marissa
ay kinikilala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) bilang isa sa mga top performing agency and cited for `zero welfare cases’.

In her almost six decades sa industriya, gustung-gusto pa rin ni Marissa ipagpatuloy ang kanyang acting career.

“Masaya ako kapag may bagong project akong ginagawa tulad na lamang nitong “Against All Odds” na unang tambalan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera sa GMA,” pahayag pa niya.

Kasama rin siya sa pelikulang “Loyalista” ni Imelda Papin.

During the early `80s ay naibigan ang kanyang character na si Manay Sharon sa weekly TV sitcom na “Duplex” kung saan nagsimula ang career ng actress na si Janice Jurado as Leweng. Sa nasabing sitcom ay mag-asawa ang papel nila ng actor-comedian at director, ang yumaong si Ading Fernando. Ang nasabing sitcom ay tumagal sa ere ng maraming taon.

Naging part din siya sa long-running drama TV series na “Annaliza” ng GMA na tumagal sa ere mula 1980 hanggang 1985.

Nung 2012 up to 2014 ay kinagiliwan din ng televiewers ang character ni Marissa as Esmeralda Lim bilang misis ni Roberto Lim played by Noel Trinidad, ang mga gumanap na parents ni Richard Lim (na ginampanan naman ni Richard Yap) sa “Be Careful with My Heart.”.

Ang nasabing serye ay siyang naglunsad sa tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Naniniwala si Marissa na walang limitasyon ang edukasyon laluna pagdating sa edad.

Sa kabila ng kanyang busy schedule bilang actress at businesswoman, nag- desisyon siyang bumalik sa school sa pamamagitan ng isang blended program nang magdesisyon siyang ipagpatuloy ang kanyang kolehiyo after fifty years sa University of the Visayas in Cebu at nagtapos siya ng kurso in Bachelor in Science in Business Administration major in Human Resources Management (HRM) na malaki ang naitutulong sa pagpapatakbo ng kayang negosyo.

She graduated in 2016 at age 68 to make her children and grandchildren proud of her.

“Yun ang pangarap sa amin ng aming lolo nung ito’y nabubuhay pa na kami’y makapagtapos ng aming pag-aaral at mai-display ang aming mga diploma for our family, relatives and friends to see,” kuwento pa ni Marissa.

“Nobody is too old for education,” aniya.

“Pursue your dreams,” dugtong pa niya.

Marissa won her first acting award as Best Supporting Actress from FAMAS in 1971 para sa pelikulang “Lumuha Pati mga Anghel” na dinirek ni Lino Brocka. The following year, she also clinched the Best Supporting Actress trophy from FAMAS for the movie “Till Death Do Us Part” na dinirek naman ni Ishmael Bernal.

Sina Brocka at Bernal were two of the best filmmakers the industry ever had.

Because of Marissa’s features, na associate siya sa mga villain or contravida roles where she was very effective and convincing at nung nabubuhay pa si Brocka ay madalas siyang kinukuha nito sa kanyang mga pelikulang ginagawa tulad ng “Tubog Sa Ginto” nung 1970, “Stardom” nung 1971,” “Bona” nung 1979,

“Ang Tatay Kong Nanay” nung 1976 at iba pa. Si Brocka rin ang nakapagbigday sa kanya ng kanyang unang acting trophy in 1971 na sinundan ni Bernal in 1972.

Sa kabila ng kanyang mga contravida roles, ito’y exactly the opposite na ugali ni Marissa sa tunay na buhay.

Up to this day, she still consider other veteran actresses Divina Valencia, Imelda Ilanan (mother of Maricel Laxa) and Eva Darren as her best friends and they still communicate a lot hanggang ngayon.

SIBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTAL:K with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE