Maris Racal

Maris Racal ibinandera mga pakak pics

September 22, 2023 People's Tonight 148 views

BINULABOG ng singer-actress na si Maris Racal ang social media matapos niyang ibandera ang mga “pakak” niyang larawan para sa selebrasyon ng kanyang ika-26 na kaarawan.

Sa kanyang Instagram page nitong Biyernes, Setyembre 22, ibinida ng “Here Comes The Groom” star ang mga kabog niyang pictures at todo awra na mga poses.

Makikita ang kaseksihan ng dalaga habang suot-suot ang tube top at blue jeans. Sa ibang larawan naman ay suot niya ang isang denim sleeveless top na pinaresan niya ng black leather pants.

“virgo sun, gemini moon, scorpio rising. Thank you guys for making me feel PAKAK on my birthday,” sey ni Maris sa caption ng kanyang post.

Hindi pa nagpaawat ang singer-actress at nag-post muli siya ng ilang larawan kung saan may mga kamay na nakayakap sa kanyang katawan habang todo pose at awra siya.

“VIRGO SEASON ENDER,” inilagay ni Maris sa caption.

Inulan naman ng birthday greetings ang post ni Maris mula sa kanyang kapuwa personalities at netizens.

“Dalaga na si Nena! Happy birthday to you my fave one.”

“Ay oh! Pakak nga. Juskoo yung curves.”

“Sobra naman toah.”

“She is mothering.”

“KABOG TALAGA EVERY BDAY ANG ACCLA.”

“GRABE NAMAN OY!!!”

AUTHOR PROFILE