
Maris nag-sorry kay Vice
Trending sa X (formerly Twitter) ang guesting ni Maris Racal kahapon sa “It’s Showtime” at tuwang-tuwa ang fans na mapanood nang live ang kanilang idolo.
Isa sa highlights ng guesting ng aktres ay ang pagso-sorry niya kay Vice Ganda dahil hindi siya nakapag-promote ng Metro Manila Film Festival 2024 movie nila na “And The Breadwinner Is. . .” last December.
Sa segment na “Hide and Sing” ay nagbiruan sina Maris, Vice at iba pang hosts nang maya-maya ay biglang pabirong sinabi ng aktres na “gusto ko nang magsalita, ate.”
Sabi naman ni Vice, “’Wag na Buneng, kami na ang bahala dito.”
Buneng ang pangalan ng karakter ni Maris sa ‘And The Breadwinner Is. . .’
Kasunod nito ay nag-sorry na si Maris kay Vice.
“Ate, sorry hindi ako nakapag-promote,” aniya sabay-tawa.
Hagalpak din ng tawa si Meme Vice pero seryoso niyang sabi pagkatapos, “Okay lang, Buneng, mas mahalaga ka kesa du’n sa pelikula.”
“Meme, I love you so much talaga. Totoo ‘to,” seryoso ring sabi ng aktres.
Peri hirit ni Vice, “Pero gusto ko rin humingi sa iyo ng paumanhin. Wala kang bonus.” Tawanan.
Seryoso ulit na sabi ni Vice, “Hindi. Mas mahalaga ka kesa sa kung saan man at kung ano pa man. I love you, Buneng.
“I love you, Meme,” tugon naman ni Maris.
Matatandaang last December pumutok ang kontrobersiya nina Maris at Anthony Jennings at katakot-takot na pangba-bash mula sa netizens ang natatanggap nila.
Kaya naman hindi na nakasama pa sa promo ng MMFF movie nila si Maris.
Anyway, nag-guest ang aktres sa “It’s Showtime” para i-promote ang latest movie nila ni Anthony pero kapansin-pansin na hindi niya binanggit ang pangalan ng aktor.