
Maris kinabag sa suot
INAMIN ng aktres na si Maris Racal na nagkaroon siya ng kabag dahil mismo sa kanyang isinuot habang nasa ABS-CBN Christmas Special 2023.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng aktres ang mga larawan kung saan makikitang todo awra siya habang suot ang kulay pulang two-piece dress.
Ang disenyo kasi ng kanyang pang-itaas ay tila isang tube kung saan ibinandera ni Maris ang kanyang tiyan.
Ayon sa kanya, bukod sa mga papuring natanggap dahil sa ganda ng suot, hirit niya’y nakakuha rin siya ng kabag mula rito.
“This outfit gave me compliments and a KABAG,” sey ni Maris.
Kasama pa ng nasabing post ng aktres ang isang statement na: “Kapag may nakita akong naka-croptop sa Pasko, lalagyan ko ng ng ef[f]icascent oil sa tiyan.”
Kinaaliwan naman ng netizens ang aktres sa kanyang post.
“Thats why i like youuuu Marisssss.”
“Hahahaha labyu Maris!”
“Okay lang kabagin basta naka awra.”
“Hahahahahaha Tbf, you really had kabag!!!!”