Maris

Maris dapat unawain at tulungan

December 10, 2024 Aster Amoyo 126 views

NARAMDAMAN ng marami ang sakit na pinagdaanan pareho nina Maris Racal at Jam Villanueva na parehong naugnay sa Star Magic actor na si Anthony Jennings. Ang una ay ex-girlfriend ng actor habang ang pangalawa ay kanyang ka-loveteam.

Sa iba ay tama umano ang ginawa ni Jam sa ginawang panloloko sa kanya ni Anthony pero may mga batas siyang nilabag dito tulad ng Data Privacy Law at Cyber Crime Law.

Kung gugustuhin ni Maris maging si Anthony na kasuhan si Jam sa pagi-expose ng mga private chat messages sa pagitan nina Maris at Anthony ay may laban sila. Pero ang tanong, gagawin ba nila ito to rectify their wrongdoings?

Although we’re not here to judge them, ang tanging may kasalanan dito ay si Anthony because he wanted to have the best of worlds. He was still in a relationship with his ex-girlfriend na si Jam nang magpakita siya ng interest sa kanyang ka-loveteam na si Maris who, at that time, was still in a relationship with Rico Blanco. Pero nang ma-feel niya na may nararamdaman na siya kay Anthony ay naging honest siya na sabihin ito kay Rico at saka sila nagkahiwalay. And Maris officially announced this on her social media account. She had so much respect sa kanyang dating boyfriend at sa kanilang naging relasyon kaya nagtapat siya kay Rico.

Sa case naman ni Anthony, parang niloko niya ang dalawang babae. Patuloy niyang pinaniwala ang ex-girlfriend na trabaho lamang ang ugnayan nila ni Maris habang ang huli ay kanya namang pinaniwala na wala na sila ng (dating) kasintahan na pinaniwalaan naman ng singer-actress. Kung tutuusin, ang ganitong scenario ay hindi na bago sa showbiz maging sa pribadong buhay. This is really happening sa totoong buhay.

Pero dahil parehong celebrity sina Maris at Anthony ay na-magnify ito through social media. At ang pinakaapektado rito ay si Maris dahil nakasalalay dito ang kanyang career at ang tambalan nila ni Anthony na ngayon pa lamang nagsisimulang umusbong.

But who are we to judge them? They’re still young at marami pa silang pagdadaanan sa buhay. Buhay nila `yon at hindi tayo ang nagpapatakbo ng kanilang buhay. Sa halip na sila’y husgahan, pang-unawa ang kanilang kailangan.

They’re broken, tulungan natin silang mabuong muli ang kanilang mga sarili and let them move on with their respective lives. Hindi tayo parte ng mga buhay nila. Harapin natin ang sarili nating mga buhay kesa pakialaman natin ang buhay ng iba.

They’re also human just like the rest of us. We make mistakes and we are sinners too. Walang perpektong tao sa mundong ito.

In God’s perfect time, naniniwala kami na ang lahat ng ito’y lilipas at muling makakatayo laluna si Maris na nagtiwala sa isang tao na inakala niya ay naging honest sa kanya. Trust issue ang main context ng usaping ito.

Samantala, kumusta na na kaya ngayon ang relasyon ni Maris kay Anthony lalupa’t meron silang `loveteam’ na pinangangalagaan?

Manonood may kanya-kanya nang hula sa MMFF 2024

PINANGUNAHAN ng MMDA at MMFF Chairman na si Atty. Don Artes ang grand media con para nalalapit na 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 ng Araneta City last December 6 na dinaluhan ng ibang stars, other members of the cast at directors ng ten official entries. Ipinakita rin sa nasabing okasyon ang full trailers ng sampung pelikulang kalahok.

Although may kani-kanya nang prediction ang marami kung aling pelikula ang inaasahang papasok sa Top 5 at the box office, umaasa ang pamunuan ng MMFF na tatangkilikin ng mga manonood ang sampung kalahok na pelikula na pawang magaganda.

Tiyak namang dudumugin ng mga tao ang taunang Parada ng mga Artista on December 21, araw ng Sabado na gaganapin sa Maynila, ang host city sa 50th anniversary celebration ng MMFF kung saan makikita ang mga stars and cast lulan ng iba’t ibang colorful at naggagandahang float ng bawat pelikulang kalahok tulad nina Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Vice Ganda, Eugene Domingo, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Vic Sotto, Piolo Pascual, Arjo Atayde, Julia Montes, Dennis Trillo, Ruru Madrid, Enrique Gil, Jane de Leon, Carlo Aquino, Julia Barretto, Francine Diaz, Seth Fedelin, Aicelle Santos at iba pa.

Magaganap naman ang Gabi ng Parangal on December 27, 2024 at the Theater at Solaire.

Ang filmfest ay magsisimula on Christmas day, December 25, 2024 at magtatapos naman on January 7, 2024. Kasunod naman dito ang 2nd Manila International Film Festival in Hollywood, USA kung saan din matutunghayan ng ating mga kababayan sa Amerika ang sampung kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival from January 28, 2025 to February 2, 2025.

Pops excited sa major concert nila ni Martin

PAGKALIPAS ng maraming taon ay ngayon lamang muli magsasama sa isang major stage and venue ang dating celebrity couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa pamamagitan ng kanilang pre-Valentine concert on January 7, 2025 at the SM MOA Arena na pinamagatang “Always and Forever”.

Although madalas pa ring magsama ang dalawa sa entablado ang dating mag-asawa maging sa ibang bansa, ngayon lamang muli na sila mismo ang lead performers kaya pareho silang excited.

Ang nalalapit na major concert nina Martin at Pops ay jointly produced ng Viva Live, Star Media Productions and DSL Productions (ni Pops).

Pero bago pa man ang pre-Valentine concert ng dating couple, nauna nang nagkaroon si Pops ng launching ng kanyang cosmetic line in collaboration with Viva Beauty (bagong business ng Viva Group of Companies) called “Pick” which had it media launch recently na sinundan ng kauna-unahang TikTok Live ni Pops at grand launch ng produkto sa SM Bacoor.

Ang Pick Cosmetic line ni Pops and Viva Beauty ay nagsimula muna sa lipstick with three different colors na susundan ng iba pang variants at ibang cosmetics na available na ngayon online on TikTok, Shopee, Lazada and Zalora.

Fashionable Pops had been wanting to launch her own cosmetic line a long time ago pero ngayon lamang ito nag-materialize with the help ng Viva.

Naging very hands-on si Pops sa formulation and packaging ng Pick lipstick variants at ganoon din ang kanyang gagawin sa mga upcoming cosmetic variants ng Pick Cosmetics.

Napakabusy ngayon ni Pops sa pagpu-promote ng bago niyang Pick Cosmetic line gayundin sa kanilang upcoming major concert ni Martin sa SM MOA Arena on January 7, 2025.

Samantala, hindi ikinakaila ni Pops na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang pagiging first time lola to her first grandchild na si Finn sa kanilang panganay ni Martin na si Robin at partner nitong si Mian Acoba.

Since sa Chicago naka-base sina Robin at Mian with Finn, nagkakasya na lamang muna si Pops sa video calls sa kanyang unang apo (turning 1 year old this month). Huling nakarga ni Pops ang kanyang apo sa recent concert tour nila ni Martin sa Amerika. Umuwi rin sa Pilipinas sina Robin, Mian at Finn sa successful major solo concert ni Martin sa Big Dome last September kung saan matagal-tagal ang bonding ng buong pamilya.

Kahit matagal nang hiwalay sina Martin at Pops, they’re still a family pag kasama nila ang dalawa nilang anak na sina Robin at Ram with an addition ng mag-inang Mian at Finn.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channels. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE