Maris ayaw idawit ni Anthony sa break-up nila ng non-showbiz girlfriend
TULAD ng ex-PBB housemate-turned Kapamilya singer-actress at songwriter na si Maris Racal na hiwalay na sa kanyang longtime boyfriend, ang music icon na si Rico Blanco, hiwalay na rin ang Filipino-British actor na si Anthony Jennings sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva. Although recently lamang niya inamin, may ilang buwan na rin umano silang hiwalay over some personal issues. Pero nakikiusap ang Kapamilya young actor na huwag i-drag sa controversy ang kanyang ex-girlfriend dahil pribado umano itong tao. Inamin din ng actor na siya umano ang may pagkukulang at hindi ang dati niyang kasintahan.
Hindi rin umano ang Kapwa nila Kapamilya singer-actress na si Maris Racal ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng dating kasintahan.
Sina Maris at Anthony ay isa sa mga bagong sibol na loveteam sa bakuran ng ABS-CBN na nabuo nang magsama ang dalawa sa nagtapos na romantic-drama series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan ng magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ang breakthrough loveteam nina Maris at Anthony ay suportado ng kanilang mother studio, ang Star Magic ng ABS-CBN.
Ang pagiging magka-loveteam nina Maris at Anthony ay nasundan ng sunud-sunod na product endorsements and project sa sa telebisyon at pelikula. Ang dalawa ay kasama sa 50th year ng Metro Manila Film Festival film entry, ang “And the Breadwinner Is…..” na pinagbibidahan ng comedy superstar na si Vice Ganda. Muli rin magkasama ang dalawa sa aabangang action-drama series na “Incognito” na tinatampukan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez kasama sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada at iba pa na matutunghayan na simula sa buwan ng Enero 2025.
Parehong masaya sina Maris at Anthony sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanilang dalawa bilang bagong magka-loveteam.
Since hiwalay na si Maris kay Rico Blanco gayundin si Anthony sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Jam Villanueva, marami ang naniniwala na career move ang ginawa ng dalawa lalupa’t unti-unti nang umiinit ang kanilang tambalan ngayon.
Hindi kami magtataka kung mauwi man sa totohanan ang pagiging magka-loveteam nina Maris (27)at Anthony (24) dahil parati silang magkasama sa trabaho.
MMFF 2024 entries mahigpit ang labanan
TIYAK na magiging mahigpit ang labanan sa takilya ng sampung kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival dahil pare-parehong magaganda ang mga entries. Bukod sa pagandahan ng pelikula ay malalaki rin ang mga artistang magsasalpukan sa box office. Nariyan sina Vilma Santos, Aga Muhlach and Nadine Lustre in one movie, ang “Uninvited,” nandiyan din sina Vic Sotto at Piolo Pascual in “The Kingdom,” Vice Ganda in “And the Breadwinner Is…..,” Judy Ann Santos and Lorna Tolentino ng “Espantaho,” Carlo Aquino and Julia Barretto in “Hold Me Close,” Francine Diaz and Seth Fedelin in “My Future You,” “Green Bones” nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, “Strange Frequencies: Haunted Hospital in Taiwan” na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Jane de Leon, abg “Topakk” nina Arjo Atayde at Julia Montes, at “Isang Himala” nina Eicelle Santos and Bituin Escalante.
Ang golden year ng Metro Manila Film Festival ay sisimulan sa Parada ng mga Artista on December 15 na pamumunuan ng pamahalaan ng Maynila na pangungunahan ni Mayor Honey Lacuna na susundan ng pagpapalabas ng sampung kalahok na pelikula on Christmas day, December 25 na magtatapos on January 7, 2025. Ang Gabi ng Parangal ay nakatakdang ganapin on December 27, 2024 sa makasaysayang Metropolitan Theater.
Bukod sa Best Picture, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress at Best Supporting Actor, maglalaban-laban din ang sampung director na sampung kalahok sa pelikula sa filmfest.
This early ay may kani-kanya nang hula ang marami kung aling mga pelikula ang papasok sa Top 5 gayundin ang from No. 6 to No. 10.
‘HLA’ ayaw pa ring paawat
PATULOY sa pamamayagpag sa box office worldwide ang romance-drama movie na “Hello, Love, Again” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na dinirek ng consistent box office director na si Direk Cathy Garcia-Sampana. Ang nasabing pelikula ay kumita ng mahiligit P1.4B sa worldwide release ng pelila. Almost P1B ang kinita ng pelikula in terms of domestic box office sales habang mahigit P7M naman sa international screenings ng movie and counting.