Rico

Maris at Rico hindi hadlang ang malaking age gap

February 8, 2022 Aster Amoyo 239 views

Rico1Rico2HINDI issue sa magkasintahang Rico Blanco at Maris Racal ang malaking gap ng kanilang mga edad para mag-work out ang kanilang relasyon. The singer, songwriter, multi-instrumentalist, actor, entrepreneur at dating frontman ng Rivermaya is turning 49 on March 17 habang 24 naman ang singer-songwirter-actress at vlogger.

Kamakailan lamang ay muling nag-aral sa pagmamaneho (as a refresher) si Maris at si Rico mismo ang personal na nagturo sa kanya. Magkasundung-magkasundo rin ang dalawa sa maraming bagay laluna pagdating sa kanilang common passion, ang musika.

Sina Rico at Maris ay magkasama sa bagong release ng iWant TFC series na “The Goodbye Girl” kung saan tampok na mga bituin sina Angelica Panganiban, JC de Vera at RK Bagatsing kasama sina Barbie Imperial, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Elisse Joson at Josh Colet.

Maris is a huge fan of Rico na nagsimula sa kanilang music collaboration hanggang maging sila.

NeriNeri1Neri yate ang birthday gift kay Chito

ACTRESS, entrepreneur and vlogger Neri Miranda surprised her husband, Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda with a yacht as a birthday gift. The singer-songwriter and occasional actor turned 46 last February 7.

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang, pero may bedroom, mini sala at banyo hehe,” post ni Neri sa kanyang Instagram account.

“Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!

“Syempre bilang wais na misis, ipapa-rent din namin `to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti na lang may mga business partners ako dito hehe!

“Ang name ng yate? Syempre, “Margarita” ! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!” dagdag pang post ng misis ni Chito.

Boots2Boots1Boots3BootsBoots at 77, wala pang balak huminto sa pag-arte

MULTI-AWARD winning TV, movie, media personality, former diplomat and educator Boots Anson Roa-Rodrigo has quit her job as president of Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND) when she turned 75 last January 30, 2020. She just turned 77 last January 30.

Boots has served MOWELFUND as Board of Trustee and became president in 2002 up to the time of her retirement from the organization in 2020. The daughter of former Sampaguita matinee idol Oscar Moreno (Oscar Gamboa Anson) and elder sister to actor Alvin Anson, the veteran actress started her career as teen-age host of “Dance O’Rama,” a teen musical program on Channel 5 where she was paired as co-host of Pete Roa and eventually became her husband in 1964. Said program lasted for ten years until 1972. She had another TV program, “Sunday, Sweet Sunday” on ABS-CBN from 1966 to 1969. In 1975, she co-hosted with former senator Orly Mercado in “Kapwa Ko, Mahal Ko” on GMA.

She also became part of “Two for the Road” program on ABS-CBN from 1962 to 1967.

It was in 1968 nang magsimula ang acting career ni Boots sa pamamagitan ng pelikulang “Siete Dolores” na dinirek ng yumaong actor-director na si Eddie Rodriguez at tinampukan nina Eddie Gutierrez, Luis Gonzales, Eddie Garcia, Ric Rodrigo, Vic Vargas, Nestor de Villa, Rod Navarro, Rosa Mia, Elvie Gonzales at Nello Nayo.

In 1969 ay ginawa niya ang pelikulang “Ang Kawatan” na dinirek ni Hector C. Molina at pinagsamahan nila nina Ike Lozada, Gigi Gomez at Rosanna Ortiz.

Nung 1970, ginawa niya ang pelikulang “Santiago” na pinagtambalan nila ni Fernando Poe, Jr. at dinirek ng premyadong director na si Lino Brocka. Si Lino rin ang nagdirek ng “Wanted: Perfect Mother” ni Boots kung saan niya nakabituin sina Dante Rivero at Liza Lorena. Kasama rin sa movie sina Caridad Sanchez, Gina Alajar, Ariosto Reyes, Jr., Arnold Gamboa at kung saan ipinakilala ang 4-year-old child actress noon na si Snooky Serna. Magmula noon ay naging sunud-sunod na na mga pelikulang ginawa ni Boots in a leading role.

In 1971, muli siyang kinuha ni FPJ para makapareha sa pelikulang “Ang Kampana sa Santa Quiteria”. Ito’y nasundan ng tatlo pang pelikula with the movie king, ang “Anino ng Araw,” “Anak ng Araw” at “Santo Domingo”.

Naging paborito rin siyang leading lady ng actor-turned politician na si Joseph `Erap’ Estrada na sinimulan in 1972 sa pamamagitan ng “Tatay na si Erap” na nasundan pa ng “Andres de Saya” at “Tama na Erap”. Nagtambal din ang dalawa sa pelikulang “Warrant of Arrest” in 1979.

Since may asawa na si Boots nang siya’y pumasok sa pelikula, never siyang na-link kahit kanino sa kanyang naging leading men.

Si Boots at unang husband niyang si Pete Roa ay nabiyayan ng apat na anak na sina Chiqui Roa-Puno, Lea Roa-Cuevas, Ben Roa at Joey Roa. She lost her husband to cancer in 2007. She also took care of him sa loob ng sampung taon matapos itong ma-stroke. Dumating din sa point na dalawa ang kanyang inalagaan noon. Bukod kay Pete, nagkaroon din ng problema sa kidney ang kanyang anak na si Joey but he survived.

Si Boots ay nag-aral ng grade school up to high school sa Assumption Convent in Manila at nagtapos ng A.B. in Speech and Drama sa University of the Philippines. When she was assigned as a Diplomat in Washington, D.C. in 1983 ay muli siyang nag-aral ng Journalism and Public and Media Relations sa Georgetown University in Washington, D.C. It was in 1982 nang siya’y ma-appoint as Press Attache and Cultural Officer and Special Assistant to the Ambassador of the Philippines in Washington, D.C.

Taong 1993 nang bumalik si Boots at ang kanyang pamilya sa Pilipinas at dito niya muling ipinagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Nung November 30, 2013, Boots got engaged to lawyer Francisco `King’ Rodrigo, Jr., anak ng dating senador na si Francisco `Soc’ Rodrigo, Sr. They got married on June 14, 2014.

Taong 1996 nang siya’y maging vice-president ng Premiere Productions. Two years later in 1998 ay hinirang siyang chairman ng IBC-13. Naging chairman din siya ng Cinema Committee ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA).

It was in 1973 nang makuha ni Boots ang kanyang kauna-unahang Best Actress trophy mula sa FAMAS Awards para sa pelikulang “Tatay na si Erap” kung saan niya naka-tie si Vilma Santos para sa pelikulang “Dama de Noche”.

Sa kabila ng pagiging abala ni Boots sa kanyang acting job, naisingit din niyang magturo ng Mass Communications subject sa Ateneo de Manila University, De la Salle University at University of the Philippines. Naging entertainment columnist/contributor din siya sa mga kilkalang broadsheets. Nag-host din siya ng dalawang magkaibang programa sa DZMM ng ABS-CBN, ang “Boots Talk” at “Music and Memories”. She has done over 100 movies and over 40 TV programs mostly TV series.

In her almost six decades in the industry, Boots has maintained her gracious manner at pagiging maganda ng PR sa lahat kaya naman all these years ay nanatili siyang isa sa mga well-loved personalities in the industry.

At 77, wala pa umano sa kanyang plano ang paghinto sa acting. For as long as there are offers and roles suited for her, magpapatuloy umano siya sa kanyang acting career which is one of her passions.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE