Maris

Maris at Anthony nakalagpas na sa kontrobersiya

March 7, 2025 Aster Amoyo 225 views

Maris1MATAPOS dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon at tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings late last year nang mag-leak online ang kanilang private conversations gawa ng ex-girlfriend ni Anthony, ang non-showbiz na si Jam Villanueva, mukhang pareho nang nakapag-move on at nakabawi na ang dalawa (Maris at Anthony) dahil parehong number 1 sa Netflix Philippines ang kanilang magkahiwalay na proyekto, ang TV series na “Incognito” at ang unang movie collaboration ng ABS-CBN at Netflix Philippines sa pelikulang “Sosyal Climbers” (exclusively for Netflix PH) now streaming on the popular platform.

Kakaiba ang chemistry na ipinapakita ng tambalan nina Maris at Anthony na nabuo sa TV series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano at nagtapos sa ere nung isang taon.

In fairness to Maris and Anthony, bukod sa kanilang magandang chemistry (on screen), pareho silang mahusay umarte.

Dahil sa mainit na tambalan ngayon nina Maris at Anthony, muli na namang nakabuo ng bagong loveteam ang ABS-CBN. Pagkatapos ng “Incognito” na kinabibilangan ng dalawa at first movie team-up nila on Netflix Philippines, a separate TV series na pagbibidahan ng dalawa should be on the pipeline and a follow-up movie na silang dalawa rin ang mga pangunahing bida.

Muli na namang nakagawa ng `goldmine’ ang ABS-CBN na kahit nawalan ng prangkisa during the Duterte administration ay patuloy pa rin ang kanilang paggawa ng magagandang content at pagdi-develop at pagbi-build-up ng mga bagong stars.

Horror movie ni Direk Mikhail dream come true para kina Heaven at Ryza

HeavenMonDREAM come true para kina Heaven Peralejo at Ryza Cenon ang makagawa ng horror movie na pamamahalalaan ng international award-winning young filmmaker na si Mikhail Red at ito’y naisakatuparan sa pamamagitan ng kanilang upcoming movie na “Lilim” which will hit the movie screens ngayong March 12, 2025.

Si Direk Mikhail ang nag-direk ng 2022 Metro Manila Film Festival movie ng Viva Films, ang “Deleter” na pinagbidahan ni Nadine Lustre na siyang nanguna sa takilya na sinundan ng “Nokturno” nung isang taon na pinangunahan pa rin ni Nadine.

Ang “Lilim” nina Heaven at Ryza ay first movie release ni Direk Mikhail for the year 2025. Tampok din sa nasabing pelikula sina Eula Valdez, Mon Confiado, Rafa Siguion-Reyna, Skywalker David, Phoebe Walker, Gold Aceron at Nicole Omillio. The movie will have its red carpet premiere night on March 10 (Monday) at the Cinema 3 ng The Block ng SM North-EDSA.

“Lilim” was written by Nikolas Red (the director’s brother) with their father (also a filmmaker) Raymond Red taking the cinematographer’s seat under Evolve Studios, the production company na binuo ni Direk Mikhail in collaboration with Viva Films.

The film “Lilim” na isang psychological horror movie was also screened at the 2025 International Film Festival Rotterdam in the Netherlands.

Speaking of Direk Mikhail, he was only 15 years old nang siya’y mag-training sa tutorship ng yumaong award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya. He directed his first short film na pinamagatang “The Threshold” which took him to his first international film festival in Germany. Ito’y nasundan ng iba pa niyang short films tulad ng “Kamera,” “Harang” at “Hazard”. Ang short film na “Harang” ay siyang nanalo ng grand prize sa Seoul International Youth Film Festival habang ang “Hazard” ay nanalo ng Special Jury Prize sa Cinemanila International Film Festival nung 2010.

He was 21 nang kanyang idirek ang kanyang first feature film na pinamagatang “Recorder” which took hims 13 days to shoot. Ang nasabing pelikula ang nakapagbigay sa kanya ng Best Director award mula sa 2014 Vancouver International Film Festival in Canada. Nung 2016 ay ginawa niya ang pelikulang “Birdshot” which won Best Film in the Asian Future Section at the Tokyo International Film Festival. The movie was also submitted as the Philippines’ entry for Best Foreign Language Film at the 90th Academy Awards.

Direk Mikhail also directed “Eerie” na pinagbidahan nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo nung 2019. Ito’y co-production ng Star Cinema at Aurora Media ng Singapore. On the same year ay pinamahalaan din niya ang pelikulang “Dead Kids,” which was Netflix’ first original film from the Philippines. Nagpatuloy siya ng pamamahala ng mga horror films na sinundan ng zombie film na “Block Z” “Arisaka,” and a revenge Western film produced ng Ten17P ni Direk Paul Soriano na hindi pa rin naipapalabas.

Andrea sumabak na sa daring role, may bagong BF

AndreaPicMATAPOS ang kanyang magkahiwalay na relasyon sa actor na si Seth Fedelin at basketball player na si Ricci Rivero, Kapamilya young star Andrea Brillantes is rumored to be in a relationship with another basketball player na si Samuel `Sam’ Fernandez. Ang dalawa ay makailang beses na ring nakita ng ilang netizens sa magkakaibang okasyon at kasama na rito ang kanilang Valentine’s Day dinner date kung saan binigyan ang dalaga ni Sam ng isang pumpon ng pink roses. Nakita ring magka-holding hands ang dalawa nang sila’y dumalo sa isang frisbee event in Laguna.

Samantala, si Andrea ay isa sa mga bagong characters sa hit primetime action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” as Fatima Benito na kasama sa brood of scammers. Magkakaroon din siya ng intimate scene with (also one of the new characters na pasok sa Coco Martin-led series) na si Jake Cuenca.

First time ni Andrea in a sexy and intimate scene, isang indikasyon na ready na siyang mag-portray sa mapaghamong roles.

Malayo na nga ang narating ng dating TV commercial model-turned child star na nagsimula sa now-defunct kiddie show, ang “Goin’ Bulilit” who portrayed her first lead role sa TV remake ng family drama na “Annaliza” na unang pinagbidahan ng yumaong dating child star na si Julie Vega. Umalagwa ang popularity ni Andrea when she portrayed the role of Marga Mondragon sa hit afternoon drama series na “Kadenang Ginto” na sinundan ng “Huwag Kang Mangamba” with Francine Diaz. Kasunod na rito ang kanyang magkasunod na primetime TV series na “Senior High” nung 2023 at “High Street” nung isang taon.

When she turned 19, she put up her own make-up line, ang Lucky Beauty making her a young entrepreneur.

Ama ni Angel yumao sa edad 98

AngelNAIS namin ipahatid ang aming pakikidalamhati sa actress na si Angel Locsin at sa kanyang pamilya sa pagyao ng kanyang butihing amang si Angel Colmenares nung nakaraang Miyerkoles, March 5 sa edad na 98.

Ang screen name ni Angel ay hango sa pangalan ng kanyang yumaong ama. Her real name is Angelica Locsin Colmenares-Arce.

Kilala si Angel sa pagiging malapit sa kanyang ama nung ito’y nabubuhay pa na may ilang taon ding nawalan ng paningin na hindi na naibalik hanggang sa kanyang pagpanaw.

Ang mga labi ni Mr. Angel Colmenares ay nakaburol ngayon sa Heritage Memorial Park in Taguig City hanggang March 8 from 5 p.m. to 8 p.m.

Samantala, nami-miss na si Angel sa showbiz magmula nang mag-desisyon sila ng kanyang mister, ang producer-businessman na si Neil Arce na mamuhay nang tamihik

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE