Maris at Anthony muling magpapakilig sa ‘Incognito’
Parehong na-excite sina Maris Racal at Anthony Jennings nang nalaman na magkakasama ulit sila sa TV series na “Incognito” after “Can’t Buy Me Love,” kung saan nga nag-hit ang tambalan nila.
“Super happy ako na maka-work ulit si Anthony,” masayang sabi ni Maris. “And nu’ng nalaman namin na action ‘yung gagawin namin, sobrang, sobrang excited talaga kami.”
Aminado rin ang aktres na medyo may pressure sa kanya dahil first time niya na gumawa ng action scenes.
“On my end, may pressure kasi hindi pa ako nakasabak talaga sa action talaga ever. Siguro ‘yung action lang na nagawa ko, nadapa, ganyan. Pero dito talaga, may intense training.
“Pero happy kami kasi ‘yung mga scenes na nagawa namin so far, funny. Nakakaaliw ulit na kami ‘yung magbibigay-happiness,” sey pa ni Maris.
Ayon naman kay Anthony, binasa muna niya ang script at natuwa rin siya nang makitang may mga eksena pa rin silang pakilig ni Maris.
“Medyo may kiligs pa rin kami du’n, ‘yung pagka-sweet. Hindi naman sobra pero andu’n pa rin ‘yung fun,” sey ni Anthony.
“Alam ko naman na masarap katrabaho si Maris. Nagbibigayan kami lagi sa isa’t isa. Happy ako na maka-work si Maris,” aniya.
Kasama rin nila sa “Incognito” sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler at Kaila Estrada. Lahat sila ay sumailalim sa intense training for four months tulad ng martial arts, Muay Thai, tactical combat at war games.
“Tapos, ang dami naming pasa palagi,” natatawang sambit ni Anthony.
Sey naman ni Maris, “Super dami naming pinagdaanan bago mag-day 1. Ang dami naming pinag-aralan, ang daming first time kong ginawa personally na hindi ko ine-expect na makakaya ko.”
Ginagampanan ni Maris sa “Incognito” ang role ni Gabriela Rivera, isang skilled spy at expert sa infiltration habang si Anthony naman ay isang undergraduate military. Magkakasama silang lahat sa isang team.
Ayon naman kay Direk Lester Pimentel Ong, who also directed “The Iron Heart,” ang “Incognito” ay tungkol sa seven individuals na may kanya-kanyang struggles and challenges na pinagdadaanan sa buhay.
“This is a story about seven individuals who are going through a lot of challenges in their lives. Ito ‘yung time ng journey nila na they’re aspiring for a second chance,” sey ng direktor.
Mapapanood ang “Incognito” simula January 17, 2025 sa Netflix.