Robin

Mariel, tuloy ang live selling

November 23, 2022 Vinia Vivar 82 views

Medyo matagal-tagal ding hindi nakaharap ng entertainment press si Mariel Rodriguez dahil naging inactive siya sa show business even before the pandemic.

Kaya naman na-excite siya na dumalo sa mediacon na ipinatawag ng AllTV network para sa bagong morning talk show nila nina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto, ang M.O.M.S. (Mhies on a Mission).

Yes, balik-telebisyon nga si Mariel after six years. Matatandaang tumigil pansamantala ang TV host dahil nag-concentrate siya sa kanyang pamilya.

Good thing ay pinayagan naman siya ng mister na si Senator Robin Padilla at napaka-supportive husband nga raw nito.

Ayon kay Mariel, talagang hindi na niya kaya ang magkaroon pa ng daily noontime show dahil ang pamilya na ang kanyang priority especially ang dalawa niyang anak na sina Isabella at Gabriella.

“Ito, sabi ko kina Miss Alou (Almaden of AllTV), ‘Miss Alou, kaya ko magbigay, dalawang araw, ‘yun ‘yung kaya. Because nanay ako. My kids are small. So, they still need me talaga,” she said.

Sa pagbabalik nga ni Mariel ay isa na siyang senator’s wife. May nabago ba sa kanyang buhay bilang asawa ng isang senador?

“Alam mo, wala pa akong nagagawa. Hindi ko pa nagagampanan ‘yung role bilang senator’s wife. Wala pa akong nagagawa,” aniya.

“Like ‘yung SONA (State of the Nation Address) sana, pupunta ako sa SONA, nagka-Covid naman ako, so hindi ako nakapunta. And then everytime, nagkakataon na mayroong something ‘yung senators’ wives, when they go out like they went to Cagayan yata or something. Basta laging hindi nagsa-swak sa schedule. So, wala pa ‘kong nagagawa talaga.

“And promise, sana next time, I can do more for them. Kasi siyempre, gusto ko rin naman na maging active doon,” sey ni Mariel.

Napag-usapan din ang live selling na kanyang ginagawa from time to time at sey ni Mariel ay ipagpapatuloy niya pa rin ito.

“Yes, wala namang nagbago, eh. It’s not as if… hindi naman sa pag-aano, but it’s not as if hindi mo na kailangang magtrabaho. Kasi mas more pa nga na kailangan mong magtrabaho because mas maraming nanghihingi,” she said.

Anyway, sobrang excited ni Mariel sa M.O.M.S. na magsisimula na ngayong November 28, 11 a.m.-12 noon, sa AllTV.

First time niyang makakasama sa isang show sina Ruffa at Ciara at sobrang enjoy siya sa taping.

TRAILER RELEASE

Inilabas na ng Rein Entertainment ang official movie trailer ng Nanahimik ang Gabi tampok sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado. Kalahok ito sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

Ito ay tungkol sa magkasintahan na patagong nagkita sa isang liblib na mansyon. Ang isang gabi na dapat ay puno ng mainit na pagmamahalan ay mabilis na nabalot sa karahasan at katatakutan nang pasukin sila ng mga hindi inaasahan.

Ang suspense-thriller ay mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico. Siya rin ang direktor ng socio-political series na Bagman at LGBTQ+ series na Betcin na parehong kinilala sa Asian Academy Creative Awards noong 2020 at ngayong taon.

Ito ang unang pagkakataon na kabilang ang Rein Entertainment sa hanay ng mga pelikulang kabilang sa MMFF.

AUTHOR PROFILE